Prologue

52.8K 1.9K 96
                                    


Grim Reaper...

Sabi sa mga kuwento-kuwento o alamat ito ay iyong nilalang na nakasuot ng dark hooded cloak at may dalang Death Scythe. Ang sabi, makikita mo lang daw siya kapag mamamatay ka na. Siya ang susundo sa iyo kung saan ka man niya dadalhin sa kabilang-buhay. Kung sino ang nakaimbento niyon, hindi ko alam. Hindi naman ako naniniwala sa mga ganoon. Multo, engkanto, magic, at kung ano pa na out of this world, mga kuwentong barbero lang. But not until I saw one...

I saw a Grim Reaper pero iba ang hitsura niya sa mga kuwento. Kaso... ang masama doon, nagpakita siya sa akin dahil malapit na raw akong mamatay. To be exact, in less than a month daw. No! No effin way! Hindi ako papayag na mamatay ako kaagad. Twenty-five years old lang ako at marami pa akong babae na dapat masubukan. 'Buti na lang, may paraan daw para takasan si Kamatayan. Kailangan ko lang daw mapaibig ang Grim Reaper. Suwerte dahil babae ang nagpakita sa akin. Pero imposible raw iyon dahil wala silang emosyon. Pero kung pagpapaibig lang ang pag-uusapan... ako si Van Kyle Chua ang expert diyan.

She may be cold as ice but my life is nearly in demise. So she better get that cold emotions buckled up 'cause I'm gonna prove that Grims do fall in love.

Grims Do Fall In Love (Published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon