Chapter 21

13.5K 522 710
                                    

Van


NAHALIKAN ko si Saydie. May tumulak sa akin kaya lumapat ang mga labi ko sa kanya. Ako na isang tao lang at takot na takot sa kanya ay nahalikan siya ngayon. But even if I was scared of her, I couldn't seem to stop having my lips touch hers. I could have stopped right at the moment I landed, but her lips were so soft and warm. That even a slight move of pressing my lips to hers made my mind blank and time seemed to stop.

Hindi ko alam kung gaano katagal na nakalapat ang mga labi ko sa kanya pero hindi rin naman siya gumalaw. Biglang pumasok sa isip ko na baka suntukin niya ako kaya bumitaw ako at nagmaang-maangan.

"S-s-sorry, Saydie. I-I-I didn't mean to. It was an accident," natataranta kong katwiran, saka umatras ng tatlong hakbang.

Pero ang totoo, hindi ko maipaliwanag kung bakit nagustuhan ko ang halik na iyon. Siya naman... Akala ko magagalit siya at titingnan ako nang masama pero hindi. Nanatili lang siyang nakatayo at tulala. She was stunned and it's making me wonder why. Anong nangyari sa kanya? Susugurin ba niya ako sa oras na gumalaw siya? O hindi kaya... nagustuhan din niya iyon?

Ipinilig ko ang ulo, saka lumapit sa kanya. "Saydie!"

Nagulat siya sa pagtawag ko at napakurap nang tatlong beses bago tumingin sa akin. "What happened? What was that, Van? Bakit kakaiba ang nararamdaman ko?"

Mukhang takang-taka siya habang ako naman ay natataranta. Ano kaya ang naramdaman niya at bakit gano'n ang naging reaksiyon niya? I couldn't answer her question nor explain what happened. I should sway her. Iginala ko ang tingin sa paligid at nakitang malayo na sa amin si Bruno. Nakita ko ang mga taong nagsasayaw sa gitna.

"T-that's nothing," sagot ko at itinuro ang mga nagsasayaw. "There! Let's dance!"

"Dance?" pag-ulit ni Saydie.

Hinawakan ko siya sa kamay at dinala sa dance floor. Dapat aliwin ko siya para hindi siya magtanong sa nangyari kanina.

"Saydie, isa ito sa mga ginagawa ng mga tao na lubos na nakakapagpasaya sa amin. Ang tawag dito ay dancing." Umindak ako sa tugtuging pang-club. I slightly bent my knees and my arms as I swayed left and right to the beat of the music. Sinamahan ko pa ng pagtaas-baba ng mga braso ko na may pagtango. Dapat kasabay sa beat ng kanta at mukhang nag-e-enjoy. "What I'm doing right now is dancing."

Napangiti siya habang pinapanood ako. Lalo naman akong ginanahan kaya sinamahan ko ng mga dance move na floss, orange justice, the shoot, at dab. Halos buong pagkabinata ko, nasa club ako at sumasayaw kaya sanay na sanay talaga ang katawan ko sa paghataw kahit pa medyo mabigat ang ice cream costume ko.

Natawa siya sa ginawa ko. Gumagalaw na nang bahagya ang balikat niya na kasabay sa tugtugin. "What should I do?" nakangiti niyang tanong.

"Just bust a move and follow the beat," sabi ko habang sumasayaw.

"Bust?" pag-ulit niya. "Like busting?"

Napakunot-noo ako saglit pero tuloy pa rin ang pag-indak sa beat. "Yeah."

"Okay... I know what to do," sabi niya at biglang naging seryoso ang mukha.

Napangiti ako at na-e-excite nang makita kung paano sasayaw si Saydie. Pero bigla akong napahinto nang pumormang uupo siya at sa isang iglap... Nakaramdam ako ng matigas na bagay na tumama sa sikmura ko na nakapagpahinto sa akin. Napanganga ako. Pagyuko ko, sinuntok pala ako ni Saydie. Mabuti na lang at puno ng foam ang costume ko kaya hindi masyadong masakit pero pagtingala ko...

"This is busting, Van."

Nang makita ko ang nakaamba niyang kamao, agad kong hinarang ang dalawa kong kamay sa mukha. "Saydie, no!" mabilis kong sabi, saka pumikit. Inasahan kong susuntukin niya ako pero pagdilat ko, nakasimangot siya at hindi na nakaambang manununtok.

Grims Do Fall In Love (Published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon