Chapter 24

14.2K 533 1K
                                    

Saydie



HINDI ko akalain na ganito pala ang pakiramdam ng pag-a-ice skating. Masaya at may halong kakaibang pakiramdam kapag tinitingnan ko si Van at lalo na kapag pinagtatawanan ko siya tuwing bumabagsak siya.

Pero ang tungkol sa nararamdaman ko... Tama nga kaya si Van na ang tawag dito ay love? But why? Ganito ba ang pakiramdam na ito? Hindi mo mamamalayan na nararamdaman mo na pala. Hindi mo rin alam kung saan nagsimula.

"Hey, Saydie! Tingin ka naman," tawag ni Van sa akin. Pagbaling ko sa kanya, hawak niya ang tinatawag nilang mobile phone. Nakatapat iyon sa kanya at makikita doon ang aming reflection. Nakangiti siya habang nakatingin sa bagay na 'yon. Mukha siyang tanga.

Napakunot-noo ako at lumapit sa kanya. Nakita ko rin ang reflection ko sa cell phone. Pinindot niya ito at pagkatapos ay inilapit niya sa mukha.

"Ano ba 'yan? Hindi ka naman nag-smile. You have to smile when taking selfies," reklamo niya. "Isa pa." Muli niyang inilayo sa kanya ang cell phone at itinapat sa mga mukha namin. Nakita ko siyang ngumiti mula sa cell phone.

What is he doing?

"Saydie, tingin ka."

Tumingin naman ako sa kanya pero bigla siyang natawa nang kaunti.

"Hindi sa akin..." Iwinagayway niya nang bahagya ang cell phone sa harap ko. "Dito, o."

"What are we doing?" tanong ko.

"We're taking pictures. Ganito kapag may memorable na nangyayari sa buhay ko. I take pictures so if I stumble on it again... I'll remember the feeling. And..." Bumuntong-hininga siya at nawala ang ngiti sa mga labi. "I'm doing this for my little sister. Gusto ko na makita niya akong masaya sa mga huling pictures ko. Alam ko kasing malulungkot at iiyak 'yon kapag nawala na ako."

Bigla ay tila may naramdaman akong kung anong mabigat sa aking dibdib. Parang nararamdaman ko rin ang nararamdaman niya. This guy... he had changed a lot. He was now better than he was. But his time in this world was almost up.

"But it's okay. Magiging masaya ang mga huli kong araw," bigla niyang sabi, saka ngumiti.

Pero parang ang mga ngiti na 'yon ay hindi totoo at tila ba nalulungkot siya pero itinatago lang niya. I can feel it... somehow.

"Okay, Saydie. Tingin ka na dito, 'tapos ngiti, ah." Muli niyang inilayo ang cell phone at iniharap sa kanya. Pinagbigyan ko siya. Tumingin na rin ako doon at ngumiti. May pinindot siya at pagkatapos ay nag-angat ng dalawang daliri. "Peace sign naman."

Ginaya ko naman siya at muli kaming ngumiti sa harap ng cell phone. Matapos iyong pindutin uli, tiningan niya ang mga kuha namin. "Naks! Photogenic ka pala talaga kahit wala ka ng gothic makeup," sabi niya.

"P-photoge..." pag-ulit ko. Pero nakalimutan ko ang eksaktong sinabi niya.

"Photogenic. Means maganda ka sa picture. But don't get me wrong. Mas maganda ka sa personal," mabilis niyang sabi.

Tila saglit na lumaktaw naman sa pagtibok ang puso ko at kusa na lang pumorma ang mga labi ko para ngumiti. Nag-init din ang mga pisngi ko. "Thank you," sagot ko na nakasanayan ko na tuwing may nagbibigay saya sa akin at kakaibang pakiramdam.

Napakurap-kurap si Van at bahagyang napanganga. "I-I mean... I, uh..." Nag-iwas siya ng tingin at ibinaling ang atensiyon sa paligid.

Bakit kaya?

Van suddenly grunted and ducked to massage his legs. "Oh, crap! Saydie, masakit na ang mga hita ko. Mabuti pa, tama na ang ice skating at kumain na tayo."

Grims Do Fall In Love (Published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon