Chapter 17

14.1K 514 147
                                    

Van


FOR MANY years that I had been jumping to different kinds of girls every month, I didn't know that this was going to happen. Hindi ko alam na ang sama-sama ko na palang tao. And Paula was right... all I thought about was myself. That was why I had never thought that someone may have been suffering because of me.

But not anymore... Siguro ito rin ang dahilan kung bakit ipinapasundo na ako ni Kamatayan. Kaya habang may oras pa ngayon, itatama ko na ang lahat ng kamalian ko kahit sa huling... pagkakataon.

Tiningnan ko si Paula na tila isa nang multo na may matatalim at mahahabang kuko. Puting-puti ang buong katawan niya maliban sa kanyang itim na buhok at sa mga matang lumuluha ng dugo. Pero kahit ganoon ang kanyang hitsura, tila nakikita ko sa aking isipan kung gaano siya naghirap dahil sa akin.

"Paula... Alam kong huli na ang lahat para humingi pa ako ng tawad sa 'yo pero... I just want to say that I'm sorry. Sorry for everything. Naging selfish ako at marami pala akong nasaktan at napaluha dahil doon, at isa ka sa mga iyon. Honestly, I never have thought about it and all I had in my mind was to play. But now... I have realize that I shouldn't live in this world. I have no right anymore. Dapat ang buhay sa atin ay ikaw."

"Huli na ang lahat para sa pagpapatawad. Huli na ang lahat para sa pagsisisi. Dadalhin kita sa impiyerno kahit magdusa rin ako!" sagot niya na puno ng galit habang papalapit sa akin.

Bumuntong-hininga ako at umiling habang nakatitig sa kanya. Bigla na lang tumulo ang luha sa aking mga mata nang maisip ang hirap na dinanas niya dahil sa akin. Ang bigat sa pakiramdam.

"I was so wrong to have wronged you. Lalong-lalo na sa pagpapawalang-bahala ko sa damdamin mo. If I could turn back the time, I shouldn't have done what I did. I should have become a better person. Pero alam kong huli na ang lahat para doon. But if I can make a last wish, Paula, hindi mo na kailangang sumama pa sa impiyerno. Kusa akong pupunta doon para sa 'yo at para sa lahat ng taong nasaktan ko at naloko ko. You don't deserve more suffering. Kung meron taong dapat maghirap dito, ako iyon. Kaya naman..."

Idinipa ko ang aking mga braso. Tumingin ako kay Saydie sa huling pagkakataon. She was trying to say something or trying to stop me, but her voice seemed to have disappeared and her eyes were filled with tears. I never thought that. I never thought that Grims cried.

"Saydie, say good-bye to Kylie for me. Tell her that her brother loves her so much and tell her not to fall for a guy like me. Pakisabi rin sa ama ko na..." Bumuntong-hininga ako. "...tell him I'm so sorry for being a stubborn son."

Hinang-hina na umiiling lang siya at ang kanyang mga mata ay parang papikit na.

"Good-bye, Saydie." Binigyan ko siya ng ngiti. Pero tuluyan na siyang nawalan ng malay. Bumaling ako kay Paula na nasa mismong harap ko na. "Paula, thank you for opening my eyes," sabi ko at nginitian siya. "Now..." Inalis ko ang ngiti sa aking mga labi, pumikit ako at huminga nang malalim. "...kill me with all your hate. Let me take that hate with me to the afterlife so you may rest in peace."

Inihanda ko ang aking sarili sa paparating niyang atake na papatay sa akin. Wala na akong pakialam kung ito'y masakit, mahapdi, o kung ano pa man ang pakiramdam ng mamamatay. Ang mahalaga, mapagbabayaran ko na sa impiyerno ang mga kasalanan ko.

"Van... Kyle... Chua," dinig kong tawag ni Paula.

Hindi ko siya pinansin at inalala ko lang ang mga masasayang araw ng buhay ko. Pati na rin ang mga pagkakataon na iniwan ako ng mga babae. Suddenly, I was able feel their heartbreaks. It made me feel being torn apart. It was like my first heartbreak but tenfold.

Grims Do Fall In Love (Published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon