Chapter 1

50.6K 1.3K 480
                                    

Van



ISANG oras na akong naghihintay dito pero wala pa rin siya. Nakakainis! Ako pa talaga ang pinaghintay niya, ah. Makikita niya pagdating niya. Bibigyan ko pa sana siya ng isang buwan kaso sa ginawa niya ngayon, ayoko na talaga. Ang isang Van Kyle Chua ay hindi pinaghihintay.

 Ang isang Van Kyle Chua ay hindi pinaghihintay

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ilang minuto pa ang lumipas pero wala pa rin. Inis na talaga ako. Tatawagan ko na lang siya at tatapusin ko na ito. Kukunin ko na sana ang phone ko nang biglang may tumawag sa akin.

"Van!"

Paglingon ko, si Bea pala. Ang soon-to-be ex-girlfriend ko. I raised my left brow at her. "Dumating ka pa?"

Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa braso, saka nagmakaawa na parang pusa. "Sorry na, babe. May tinapos pa kasi akong artwork, eh. I'll make it up to you."

Inalis ko ang braso ko mula sa pagkakahawak niya at tiningnan ang hitsura niya. Jeez! Ang pangit na talaga niya. Ano ba namang klaseng outfit ang meron siya ngayon? Dress na black at polka dots, 'tapos lagpas tuhod? What the eff?! Baduy!

"'Wag ka nang magalit, o. Saan tayo pupunta ngayon? Gusto mo kain tayo?" Muli siyang humawak sa braso ko at pilit na yumayakap kahit nagpupumiglas ako.

"Ano ba?! Bumitaw ka nga! Para kang anaconda." Nagawa kong alisin ang braso ko sa pagpulupot niya. Ipinakita kong inis ako. "Don't bother, Bea. Wala tayong pupuntahan. We'll end this today."

"W-what? What do you mean? Babe, alam kong galit ka lang. Let me make it up to you, please?"

Nagpapabebe siya at ang sagwa sa kanya. Buyset talaga.

"It's not me, Bea. It's definitely you. Ayoko na," mariin kong sabi. Tinalikuran ko siya at agad na umalis. Wala akong paki kung nasaktan man siya o kung hindi niya matatangap na ayoko na. Hindi ko na siya ma-take. Ang importante, single na ako uli and it's time to have fun.

I texted my buddy Kobe to meet me at our favorite nightclub tonight. Pagkatapos, itinago ko ang phone ko sa bulsa pero bigla iyong nag-ring. Tumatawag siguro si Bea para magpumilit. Well, if it was not clear to her, I'd tell her again one more time. Kinuha ko ang phone ko at agad na sinagot ang tawag. "It's over, Bea. Accept it and move on."

"Kuya Van! Si Kylie 'to. Don't tell me nakipag-break ka na naman sa girlfriend mo?"

"Kylie! Ikaw pala," I said and chuckled. "Sorry katatapos lang makawala ni Kuya. Where are you now? Kumusta ka diyan sa Amerika?" Hearing my lil sister's voice made me feel excited. Matagal na rin mula nang makausap ko siya.

"I'm at home, Kuya. Just taking a rest. Tomorrow is my big day to run Mom and Dad's company. Wish you were here. Walang nakakatawa dito, eh," sagot ni Kylie sa kabilang linya ng phone.

Natawa ako nang bahagya habang naglalakad. "Ikaw, eh. You don't have to help that old man. Mas masaya dito sa 'Pinas kaya umuwi ka na lang."

"Someday, Kuya. I miss you," paglalambing ni Kylie. Sasagot sana ako pero bigla kong narinig ang masungit na boses ni Dad sa kabilang linya.

Grims Do Fall In Love (Published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon