Chapter 8

17.4K 696 177
                                    

Saydie


ANG GAAN sa pakiramdam at para bang kusa na lang pumoporma sa isang ngiti ang mga labi ko dahil sa suot ko. Hindi ko alam kung bakit inis si Van sa ibinigay na damit ng lalaking parang babae na iyon, but I thought I looked like a Death Grim Reaper with these clothes. I looked stronger and at my best. Stupid human, Van Kyle Chua, he didn't know which was better. Napapalingon pa sa akin 'yong mga taong dumaraan sa harap ko. Black was really the best color.

Speaking of that loser. He was taking too long. Lumubog na ang araw at medyo dumidilim na ang kalangitan. Gusto ko na uling kumain ng ice cream. Ganito pala kapag tao ka, maraming bagay na masarap.

Ilang saglit pa, lumabas si Van mula sa gusaling maraming damit. May bitbit siyang tatlong bag na makintab. Kulay-white iyon na tila gawa sa karton. "O, heto 'yong mga damit mo," sabi niya habang ibinibigay sa akin ang tatlong bag.

Tiningnan ko lang siya at hindi kinuha ang tatlong bag. Who does he think he is? He can't command me to do something for him.

"Pumunta na tayo sa masarap na ice cream," sabi ko at nagsimula nang maglakad nang mabilis.

"Wait! Jeez! Kainis naman, o. Mukha tuloy akong chaperone," dinig kong sabi niya nang makasabay sa akin sa paglalakad. "Can you walk slowly? May bitbit kaya ako."

Nakakairita talaga ang mga reklamo niya. Pasalamat siya, maraming tao dito at hindi ko siya puwedeng basta-bastang i-warp para turuan ng leksyon. Hindi ko na lang siya papansinin hanggang sa makarating kami sa gusaling may ice cream.

Habang naglalakad kami, napapatingin ako sa mga taong kumakain. Tila para sa kanila, ang pagkain ang pinakamasarap gawin. Ang iba naman, nakaupo lang at pinagmamasdan ang dagat. Parang mga tanga, nagsasayang sila ng oras. Hindi nila alam baka mamaya o bukas patay na sila. Stupid humans.

"Wow," dinig kong bulong ni Van. Sinulyapan ko siya at nakitang deretso lang ang tingin niya habang nakangiti.

I looked at where he was staring at. Then I found two girls walking towards us. Their heads were up, shoulders were back, and with their chest in lead. Arms were swinging loosely back and forth while their hips swayed from side to side. My brow furrowed as I wondered why they walked like that. Nang makalapit sila, napansin kong makulay at kasing-iksi ng suot ko ang mga damit nila. Nakita ko rin ang ibang kalalakihan sa paligid na napatingin sa dalawang babae. Paglagpas nila, todo-lingon si Van sa kanila at napahinto pa.

"Damn! Ang hot ng mga 'yon, ah. Tsk! Sayang naman."

The way he looked at those girls were really different from how he looked at me earlier with my new clothes. The way he looked at them seemed to be the same way I looked at the ice cream. I glanced at my clothes and suddenly made comparison that I looked better than those two. Wala dapat akong pakialam pero parang hindi ko matanggap na iba ang paraan ng pagtingin niya sa akin kumpara sa dalawang babaeng iyon.

Pinabayaan ko si Van at naglakad muli nang mabilis. He could look at those girls and waste his limited time in this world. Stupid human.

"Hey, my gothic baby, wait up!"

Nakahabol siya sa akin at narinig ko siyang huminga nang malalim. "Bagalan mo lang kasi malapit na tayo. Iyon na 'yon, o," sabi niya habang itinuturo ang isang gusali na may nakasabit na bilog na simbolo ng tila isang babae na may korona at may nakapalibot na mga salitang Starbucks Coffee. Pumasok kami sa loob ng gusali kung saan may mga taong umiinom at kumakain. Dinala ako ni Van sa isang malambot na upuan na may table sa harapan.

"Sit down and wait here, my gothic baby. Kukuha ako ng frappe at cake. Sigurado akong magugustuhan mo 'yon," nakangiti niyang sabi, saka pumunta sa mga taong nakapila.

Grims Do Fall In Love (Published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon