Chapter 12

14.9K 570 373
                                    

Saydie


HINANAP ko si Van kung saan-saan kanina pero hindi ko siya makita. Bakit nga kaya hindi ko siya maramdaman kanina at bakit kaya hindi ako makapag-warp kung nasaan siya? Bigla ko lang uli siyang naramdaman noong nasa elevator na siya. Kakaiba talaga. Hindi kaya dahil iyon sa unti-unting pagkawala ng kapangyarihan ko? This was bad. The Death God's challenge was getting more difficult. I hoped Master Reeve was free to talk again.

Pumasok kami ni Van sa condo unit. Agad siyang kumuha ng tubig sa refrigerator. "Gutom ka na ba? Magpapa-deliver na lang ako ng food para hindi na tayo lumabas," tanong niya matapos uminom.

Hindi ko siya pinansin. I had to talk to Master Reeve again but I had to ensure him this loser won't do anything stupid again. "Van, umupo ka," utos ko.

"What? Why?" kunot-noo niyang tanong.

"Just do what I said."

"Okay, okay. Masyado ka namang bossy. Jeez."

Umupo si Van sa dining chair at pumuwesto ako sa harap niya. Tatlong hakbang ang distansiya namin. Itinapat ko ang kanang palad ko sa kanya at gamit ang isip ay lumabas mula sa palad ko ang itim na lubid ni Kamatayan. Gamit pa rin ang isip, inutusan ko ito na puluputan si Van. Tila nalaman naman niya ang balak ko kaya sinubukan niyang tumayo, pero mabilis ang lubid kaya agad siyang naigapos sa upuan.

"Hoy, Saydie, akala ko—" Hindi niya naituloy ang sasabihin dahil pumulupot ang lubid hanggang sa bibig niya.

"I had enough of your stubbornness, Van. I'll be back soon."

Hindi ko siya pinansin kahit nagpupumiglas at nagpupumilit siyang sumigaw. Nag-warp ako sa rooftop ng condo. Luminga-linga ako sa paligid para siguruhing walang tao bago ko tinawag si Master Reeve. Agad naman siyang lumitaw sa harap ko.

"Again, Saydie?"

"Apologies, master. It's urgent," sagot ko.

"Okay. What is it?"

"I need the plan to stop all threats, including the vengeful spirit issue, to Van as soon as possible. Nararamdaman ko kasing mas bumibilis ang pagkawala ng kapangyarihan ko. Kanina, umalis siya nang walang paalam at hindi ko maramdaman kung nasaan siya. I'm afraid his stubbornness will lead my mission to failure if threats are still around."

Hinimas-himas ni Master Reeve ang kanyang baba habang nakatingin sa ibaba. "Hmm... it seems that you're right, Saydie. Well then, I think we have to draw the enemy out. Kung hindi natin siya mahanap, hayaan nating siya ang lumapit sa target niya. Gamitin natin ang pagkauhaw niya sa paghihiganti para lumabas siya." Tumingin siya sa akin nang deretso. "Lumabas-labas uli kayo ni Van. Mas maganda kung dadalhin mo siya sa hindi mataong lugar para magpakita talaga ang kalaban."

"Do you mean we should use Van as a decoy to lure the enemy out?"

Tumango siya.

"Understood," sagot ko. "But please stand by for my call, master."

"I will, Saydie. Siguruhin mo lang na tatawagin mo ako kapag lumabas na ang vengeful spirit sa totoong anyo nito."

"Masusunod, Master. Gagawin ko na agad ang plano."

"Good. And, Saydie... don't forget to eat. Your human body needs all the energy for the upcoming battle. Natatandaan mo naman siguro kung paano ka nito napabagsak noon?"

Tumango ako. "It won't happen again."

Ngumisi si Master Reeve at nagpaalam. "May the power of death be with you."

Grims Do Fall In Love (Published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon