Chapter 29

14K 569 296
                                    

VAN


THREATENED and puzzled. Hindi ko alam kung paano kami nahanap nitong si Reeve. Suot ko naman ang anting-anting at subok na naming gumagana ito. Kaya paanong nandito siya ngayon? But he said he was here to talk. Para saan kaya? At dapat ba akong magtiwala sa kanya? I guessed I'd find out but I won't let my guard down.

"T-talk about what? Paano mo kami nahanap?"

"Doesn't matter. Ang mahalaga ay malaman mo ang katotohanan," sagot niya.

Napakunot-noo ako. "Ano'ng ibig mong sabihin?"

Sa isang iglap, biglang nawala si Reeve sa kinatatayuan niya. Pagkurap ko, nasa harap ko na siya at biglang dinakma ang ulo ko. 'Tapos parang nausod ang katawan ko. Nang bitawan ni Reeve ang ulo ko, biglang nagbago ang paligid. Nababalot iyon ng tila walang hanggang espasyo na kulay-puti.

"Nasaan tayo? Bakit mo ako dinala dito?"

"Van Kyle Chua... manood kang mabuti," sagot ni Reeve. Itinapat niya ang palad sa isang espasyo. Lumabas doon ang itim na usok na nagkorteng parihaba. Sa gitna niyon ay nagkaroon ng imahe na parang sa isang TV. Ipinakita doon ang sarili ko noong seventeen years old pa lang ako. Ang araw na walang pag-iingat akong nagmaneho ng bago kong kotse.

"Ipapakita ko sa 'yo ang nangyari noon eight years ago," sabi ni Reeve.

Hindi ko alam kung bakit niya ginagawa ito pero naagaw niyon ang aking pansin dahil ipinapakita nito ang mga hindi ko nakita dahil sa sobrang kalasingan.

Gabi noon at walang tao sa paligid. Tuwang-tuwa pa ako at walang pakialam kung malakas ang tunog ng makina ng sports car ko. Sobrang bilis pala talaga ng pagmamaneho ko noon. Hindi na ako nagtataka kung bakit ako mababangga sa dulo. Ang alam ko, may mababangga pa akong drum ng basura bago ako mabangga sa puno.

Tahimik lang akong nanonood hanggang sa...

Ang inakala ko noong drum ng basura na nabangga ko ay isa palang tao. Pagkatapos niyon, sumalpok ang sports car ko sa isang puno kung saan ako nawalan ng malay.

"W-what the hell was that? T-totoo ba 'yan?" natatakot kong tanong. "I swear it was a trash drum!"

"Sa sobrang kalasingan, iba ang mga nakita mo sa totoong nangyari," sagot ni Reeve. "Van Kyle Chua... you killed someone that day."

Parang may mabigat na bagay na bumagsak sa akin. Napaluhod ako, nanginig ang mga labi ko, at nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan. "No... T-that's impossible. B-bakit walang nagsabi sa akin n'on? S-sino ang nabangga ko? B-bakit hindi ako nakulong?"

"Manood ka pa."

The images from the smokes shifted. Napunta ito sa ama ko na may kausap na tatlong hindi kilalang lalaki. Binayaran ng ama ko ang tatlo para itago ang bangkay at ilihim ang nagawa kong kasalanan. Hindi dahil ayaw niyang makulong ang anak niya kundi dahil ayaw niyang mapahiya bilang isang mayamang negosyante. Ayaw niyang maikonekta ang pangalan niya sa isang taong nakapatay at nakakulong kung sakali.

Agad akong napaluha at napahawak sa bibig. Ang sama niya para gawin iyon. Iyon ba ang dahilan kung bakit hindi na maganda ang pakikitungo niya sa akin matapos ang aksidente? Hindi... all my life... I had been living as a criminal.

"S-sino ang nabangga ko?"

"His name was Mario Dienara... Saydie's father."

Mas bumigat ang pakiramdam ko. Natulala ako at napahawak sa ulo nang mahigpit. Ang buong katawan ko rin ay nanginig at parang bumagal ang pagtibok ng puso ko. "No... It can't be... No..." Umiiling-iling at nanginginig kong sabi.

Grims Do Fall In Love (Published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon