Chapter 3

24.7K 872 103
                                    

Van



NAGISING akong naghahabol ng hininga. Inisip ko ang nangyari kanina. What the hell was that? Panaginip ba 'yon? Bakit parang totoo?

Luminga ako sa paligid pero wala namang gothic-looking na babae. Tumingin ako sa dibdib ko at kinapa-kapa ang buong katawan ko. Wala rin namang sugat. Nakahinga ako nang maluwag.

Akala ko talaga katapusan ko na. 'Buti na lang, hindi totoo at mukhang panaginip lang. But I had never seen that woman before for me to dream of her. She was definitely not my type of girl kaya no way in this world that I could have met her before.

Tumayo ako mula sa pagkakahiga at pumunta sa kusina. Naghilamos ako sa lababo at kumuha ng isang bote ng gatas sa refrigerator. Agad ko itong ininom at dadalhin ko sana sa mesa pero pagharap ko...

"Ay, putang'na!"

Nagulat ako nang makita uli ang gothic-looking na babae. Nabitawan ko ang bote ng gatas. Napaatras ako hanggang sa tumama ang likod ko sa refrigerator. Nakaupo siya sa isa sa mga upuan ng dining table at nakatingin sa akin. Her face seemed so very serious and her gray eyes gave me the chills.

"S-sino ka? A-ano'ng ginagawa mo dito?" Hinintay ko siyang magsalita pero hindi siya sumagot. Kinusot ko ang mga mata ko at pagmulat ko... wala na ang babae.

What the hell? Ano iyon? Guniguni ko?

Tumayo ako at nilinis ang natapong gatas. Mabuti na lang at hindi nabasag iyong bote. Sa tingin ko, may hangover pa ako hindi lang sa alak kundi pati na rin sa panaginip ko. I believed I had to take a bath.

Kinalimutan ko muna ang breakfast. Agad akong naghubad ng damit at pumasok sa shower. Habang naliligo, tumatayo ang mga balahibo ko dahil pakiramdam ko, may nanonood sa akin. Pagkatapos maligo, humarap ako sa salamin para magsepilyo. Nagmumog ako habang nanatiling nakatingin sa sink. Nag-angat ako ng mukha para sana tingnan ang mga ngipin ko sa salamin...

Napasinghap ako at parang huminto sa pagtibok ang puso ko nang makitang nasa likuran ko ang babae. Humarap ako at naroon nga siya. Kasama ko sa loob ng banyo habang wala akong saplot. Nanlaki ang mga mata ko at napatitig sa mga mata niyang parang nakatingin sa kawalan. Nanginginig ang mga labi na napahiyaw ako nang malakas habang natatarantang umaatras palayo. Nadulas ako at napaupo sa sahig kasabay ng paghawak ko sa shower curtain na agad namang nasira sa lakas ng paghila ko. Natakluban ako ng shower curtain sa ulo kaya wala akong nakita. Nang alisin ko ito, wala na uli ang babae sa banyo.

Napahawak ako sa dibdib dahil sunod-sunod ang pagkabog nito na parang tinatambol. Parang pinangangapusan pa ako ng hininga habang hinahanap ang babae sa paligid.

Ano'ng nangyayari? Minumulto ba ako?

Tumayo ako at muling naghilamos nang paulit-ulit. Humarap uli ako sa salamin pero wala na ang babae. Nakakapagtaka dahil dalawang beses ko nang guniguni iyon and there was no way in the world that ghosts were real.

Kahit pa hindi ako naniniwala sa mga multo, nagmamadali akong lumabas ng banyo at nagbihis. Lumabas ako ng unit at agad na pumunta sa kotse. Sa tingin ko, dahil ito sa hangover kagabi kaya kung ano-ano ang nakikita ko. I better had some nice soup.


I DECIDED to go to a ramen house. The salty, savory, and replenishing taste of a ramen soup will definitely kick the hangover on me. Matapos ibigay sa akin ang order ko, dahan-dahan kong hinigop ang sabaw. Sa pagdaan niyon mula sa bibig ko papunta sa tiyan, damang-dama ko ang ginhawa. Ang sarap!

Muli akong humigop ng sabaw pero bigla ko itong naibuga nang makita uli ang babae sa labas ng ramen house mula sa glass wall. Nakatingin siya sa akin at nakakatakot talaga.

Grims Do Fall In Love (Published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon