Chapter 28

13K 550 174
                                    

Saydie


IT HAD been four days since me and Van started to hide in a secluded house near a beach. Epektibo ang talisman na ibinigay sa amin. Itinago kami nito sa mga Grims gaya ng sabi ni Detective Rio Ignacio. Mula noon, ni isang Grim Reaper ay wala kaming nakaengkuwentro at ang pagsasama namin ay puno lang ng saya at higit sa lahat... pagmamahalan. Sana hindi na ito matapos pa. Ito na talaga ang mas gusto ko kaysa ang mabuhay muli.

"Good morning."

Sa pagmulat ko ng mga mata, ang aking unang nakita ay ang nakangiting mukha ni Van. "Morning," nakangiti kong sagot habang nakayakap sa kanya at nakahiga sa kama.

"Breakfast is ready, my grimy. Rise and shine." Sinuklay niya ang buhok ko gamit ang kanyang daliri at hinalikan ang ulo ko.

Umiling ako at isiniksik ang mukha sa dibdib niya. "More cuddles, please. Five more minutes."

Tumawa siya nang kaunti. "No way. Nagiging isang oras ang five minutes mo dahil nakakatulog ka uli. Wake up na. We have a lot to do."

Kainis, sarap pang matulog. Lalo na kapag nakayakap ako sa kanya. Pero mas masarap pa rin ang makasama siya sa buong araw nang gising.

Naghikab ako at kinusot ang mga mata. "Maaga ka bang nagising?"

He nodded with pursed lips. "I can't sleep. Kaya inihanda ko na lang ang lahat para sa araw na ito."

Napakunot-noo ako at inalala kung anong meron sa araw na ito at kailangan niyang paghandaan. "What do you mean?"

"You'll find out later," sagot ni Van, saka ako mabilis na hinalikan sa noo. Tumayo siya sa kama at iniabot ang kamay sa akin. "Get up. Inihanda ko ang paborito mo."

"Ice cream?" I said in excitement.

"Siyempre hindi. Ang aga pa kaya."

"But I want ice cream," I replied with a pouted lips.

Inilabas lang niya ang dila, saka tumakbo palabas ng kuwarto.

"Van Kyle Chua!" Binato ko siya ng unan pero hindi siya tinamaan kaya hinabol ko siya.

Ganito kami palagi, nagkukulitan at nagtatawanan kahit kaming dalawa lang ang magkasama.



RIGHT after breakfast, we did what we always did every morning: read books while cuddling in a wide hammock under a big tree. Sa pamamagitan kasi nito, mas marami akong natutunan bilang isang tao. Minsan nga, iyong ibang ugali ng characters sa isang story nagagaya ko. Nakakatuwa lang. Right now we were reading a novel titled Until I'm Over You, a love story about sacrifice. Nabasa na namin kahapon ang kalahati ng novel, at ngayon ay tinatapos na namin. It took us a couple of hours to finish the book with smiles on our faces. Kahit naiyak ako nang sobra sa mga sakripisyo at struggles ng mga bida.

"'Buti na lang lahat ng sacrifice ng mga bida may kinahinatnan, 'no?" Tumingala ako para tingnan ang mukha ni Van. Nakasandal ang ulo ko sa dibdib niya.

Tumango siya at ngumiti. "Yeah. I guess some sacrifices are really meant to happen. Kung para naman sa ikaliligaya ng mahal mo."

I heard him take a deep breath and then I felt his lips kiss me on my forehead. "Now let's have lunch. Then after punta ka sa banyo, I prepared a relaxing bath for you."

Nag-inat ako ng mga braso habang nakangiti. "Hmm... sounds nice."

"Tara..." Bumaba si Van ng hammock at sumunod ako. "Panoorin mo uli akong magluto. Ginaganahan ako kapag nanonood ka, eh."

Grims Do Fall In Love (Published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon