Chapter 25

12.3K 481 360
                                    

Van


I WAS caught off guard. But I couldn't say if it was good or bad. Mixed emotions. Ang sakit kasi sa ilong nang umakyat doon ang ininom kong juice. Parang gumuhit sa nostrils ko at parang dumikit ang amoy ng lemon. 'Tapos parang nasundot ng kung ano ang lalamunan ko kaya naubo ako. Pero ang matindi dito... 'yong dibdib ko, dinig na dinig ko ang malalakas na kabog na parang tinatambol.

Did I hear it right? She asked why she loves me. Mahal niya ako? How is that possible?

Humupa na ang nararamdaman kong bahagyang sakit sa ilong at pangangati ng lalamunan, pero hindi huminto ang malalakas na kabog ng dibdib ko. Nadagdagan pa ng pag-iinit ng mukha ko. Para bang hindi ko alam ang gagawin pero napapangiti pa ako. Her words echoed in my head and it was giving me a feeling of floating on air.

I turned to Saydie to see if her face was telling the truth but instead I saw her talking with the Grim Reaper lady who suddenly appeared. Siya 'yong Grim na nakita namin sa ampunan noong isang araw.

I couldn't recall what the Grim lady exactly said after telling Saydie she was here to warn her. Pero mukhang hindi 'yon maganda dahil napansin kong nanginig ang mga labi ni Saydie at napahawak siya sa dibdib.

"H-how? Paano niya kami nadiskubre?" nangangambang tanong niya sa babae.

"Hindi ko alam. Iyon lang ang maibibigay kong impormasyon."

Nawala ang magaan kong pakiramdam at napalitan iyon ng pangamba. Sumingit na ako sa usapan. "Saydie... what's going on?"

Hindi ako sinagot ni Saydie pero napansin ko na tila bumibigat ang bawat paghinga niya dahil sa marahang paggalaw ng kanyang dibdib.

"Kailangan ko nang umalis, Senior Grim Saydie. Iyan lang ang maitutulong ko sa 'yo ngayon," sabi ng babae. The space on her body formed a whirlpool-like motion and in seconds... she disappeared.

Naglakad palayo sa akin si Saydie kaya agad ko siyang sinundan. "Saydie, ano'ng nangyayari? Ano'ng sinabi niya sa 'yo?"

Hindi niya ako pinansin. Huminto siya kaya pumunta ako sa harap niya. Nakapikit siya at hindi gumagalaw.

"Saydie? O-okay ka lang ba? Ano'ng ginagawa mo?"

Another moment of silence.

"Saydie?"

Kumunot ang noo niya. "Shut up, Van! I'm trying to call Master Reeve."

Napaatras naman ako dahil naramdaman ko kung gaano siya kaseryoso. "O-okay."

If she was calling an ally, maybe it was something really serious or... dangerous. She was silent and still for a couple of minutes but my heart skipped a beat when she suddenly screamed.

"MASTER REEVE!"

Bigla siyang napaluhod na tila ba hinahabol niya ang hininga. Nilapitan ko siya agad at hinawakan sa likod.

"Saydie! Okay ka lang? Ano'ng nangyari?"

"I can't summon him, Van! Hindi siya sumasagot kahit kanina ko pa siya tinatawag. What should I do?!"

She was panicking and looking restless. Yumuko ako sa harap niya at hinawakan siya sa magkabilang balikat. "Calm down, Saydie. J-just tell me what's going on. And... we'll figure it out together. Kung hindi siya darating, nandito ako para sa 'yo."

A moment ago she couldn't even look at me, but as soon as I gave her my words... she showed me her face but she looked so scared. I had never seen her like this before. "Nanganganib tayo, Van. Isang Death Grim Reaper daw ang nakatuklas ng pagiging tao ko at tinutugis na niya ako. Kapag nahuli niya ako, parurusahan ako sa impiyerno ng ilang taon. Hindi ko alam ang mangyayari sa 'yo pero ang sabi ni Haleina ay tayong dalawa ang target niya," she said in a panic. "At ayaw kong may mangyaring masama sa 'yo."

Grims Do Fall In Love (Published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon