Chapter 6

18.4K 682 92
                                    

Saydie


INIWAN ko muna si Van Kyle Chua sa kanyang condo matapos kong sabihin ang lahat ng dapat niyang malaman tungkol sa akin at sa napipinto niyang kamatayan. Hindi ko maalis sa aking isipan ang nakita kong vengeful spirit sa sasakyang muntik nang makabangga sa kanya kagabi. Si Van Kyle Chua kaya ang target nito? Kung oo, puwede akong mabigo sa challenge ng Death God dahil gagawin ng vengeful spirit ang lahat para patayin ang binabantayan kong kaluluwa. I had to ask Master Reeve.

Sinubukan kong mag-warp papunta sa Death Collector Society pero imbes na mapunta doon, napunta ako sa rooftop ng condo. Nakalimutan kong tao nga pala ako ngayon at hindi ako puwede sa kampo namin. Pumikit ako at tinawag si Master Reeve sa pamamagitan ng pagbigkas ng pangalan niya nang paulit-ulit sa aking isipan. Pero hindi siya sumagot at hindi rin dumating. Maybe he was on his mission right now. But I had to tell him about the vengeful spirit.

Nilibot ko ang buong siyudad sa pamamagitan ng paulit-ulit na pag-warp, baka sakaling nasa paligid si Master Reeve. Mahigit isang oras din ang lumipas nang bigla akong makarinig ng mga kalabog sa malapit na lumang warehouse. Agad akong nag-warp sa loob niyon at nakita si Master Reeve na nakikipaglaban sa tatlong vengeful spirits. Pinapalibutan siya ng tatlo kaya inilabas ko ang aking Death Scythe at nag-warp sa tabi niya. "Need some help?"

"You are not allowed. But I'll let it slip this time," sagot ni Master Reeve habang nakaporma ng kanyang sword fighting stance.

This was the first time that I was going to use my weapon to fight. Good thing that all senior Grim Reapers were trained to do so. And it seemed this was the reason behind it. Inobserbahan ko ang mga kalaban. Ang kanang kamay nila ay kasinlaki ng upper body ng isang tao at may matulis na mga kuko. Habang ang dalawang vengeful spirit ay bungo ba ang mukha na puro dugo. Ang isa ay parang isang babaeng may mahabang buhok at lumuluha ng dugo. Mas malaki siya nang bahagya kumpara sa dalawa niyang kasama.

"Careful, Saydie. They can't kill us but they can knock us down long enough to fulfill their vengeance," sabi ni Master Reeve bago inatake ang kalaban na nasa harap niya.

Inatake naman ako ng vengeful spirit gamit ang mga claws niya pero paatras akong nakailag. The spirit followed me with consecutive attacks. Hindi ko magamit ang weapon ko para mag-counterattack dahil sa distansiya. Napakalapit niya at masyadong mahaba ang sandata ko. So I dodged and dodged until I was able to jump up high away from it.

Sinundan ako ng vengeful spirit sa ere. Dahil may sapat na akong distansiya mula sa kanya, nagawa kong mabilis na ipaikot ang sandata ko sa harap kaya nabale-wala ang atake ng kalaban ko. Tumalsik lang siya sa ibaba nang tumama ang claws niya sa pinaiikot kong Death Scythe. Bumagsak siya sa sahig kaya bumaba na rin ako. Ibinuwelo ko ang talim ng aking sandata at sinugod ang kalaban. Nang matantiya na abot na siya ng sandata ko, mabilis ko itong inihampas sa kanya.

Nagliyab ang vengeful spirit nang masapol ko siya, saka naglaho. Bumaling ako kay Master Reeve at nakita kong pinagtutulungan siya ng dalawang vengeful spirits. Ibinuwelo ko sa likod ang patalim ng Death Scythe at sinugod ang babaeng kalaban—na siya palang vengeful spirit. Nakailag siya sa atake ko at lumipad sa ere. Naramdaman ko ang nagbabadyang pagtakas ang vengeful spirit dahil tumalikod ito.

"Master Reeve, tumatakas ang isang 'yon." Nag-warp ako sa puwesto ng babaeng kalaban at ibinuwelo ang aking sandata.

"Saydie, don't!"

Inihampas ko ang aking Death Scythe sa kalaban pero bigla itong nawala. Sa isang iglap, nakaramdam ako ng matutulis na bagay na humiwa sa likod ko. Tumalsik ako at bumagsak sa sahig. Bumigat ang mga mata ko at nanghina ang katawan ko hanggang sa bigla na lang nagdilim ang lahat.

Grims Do Fall In Love (Published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon