III

6.3K 133 3
                                    

"Creamline Cool Smashers Sweep the BANKO PERLAS in 3 straight sets.26-24,25-13,25-21.
POG: Jema Galanza with 15 pts(13 atks,2 blks)"

Napangiti ako nung nabasa ko iyon

"I''m so proud of you bb"

"Halatang proud na proud ka ah hahahaha" napangiti naman ako sa sinabi ni ate at nagpatuloy lang sa mga pagtitingin ng litrato niya pero nagsalita uli si ate na lalong ikinangiti ko

" Isa ako sa magiging masaya, pag naging masaya na kayo"

3rd year high school
(Foundation day)

Kada section may kanya kanyang booth na kaylangang gawin, tulad ng horror booth, wedding booth at kung ano ano pa, samin naman napunta yung kissing booth

" malapit na tayo matapos agad" akbay sakin ni luigi habang nakatingin dun sa mga lalakeng atat na atat tumulong sayo

"Tsk kaya naman natin to, tsaka sino ba yung mga yun" tanong ko sabay alis ng kamay nya sa balikat ko, kasi pinagtatawanan na naman nya ko

"Hahahahaha selos" sabi nya at tatawa tawang umalis, what??

Nagpatuloy na lang ako sa ginagawa ko nang biglang may humampas sakin

"Huy wong hindi mo ko tinutulungan dun" inis na sabi nya, na nakapagtaas
ng kilay ko

"ang dami ngang lalakeng tumutulong sayo dun" simpleng sagot ko at patuloy pa rin sa ginagawa ko

"Ikaw yung gusto ko tumulong sakin e" sabi mo at umalis nalang bigla, samantalang iniwan mo ko nang magulo ang nararamdaman

"Jessica!" Frustrated na bulong ko nung natauhan na ko

Natapos na namin ang pag aayos at nagpeprepare na para sa booth namin, ako, siya, bea at luigi ang nakatoka para sa kissing booth, tinawag ko na si bea kasi tinutulungan nya sila jho para sa booth nila pumayag na kami supportive friends hahahaha

"Deans si jema pa" bulong ni luigi kasi nagbukas na kami at sobrang haba na ng pila

FIRST LOVE (GAWONG/JEDEAN)Where stories live. Discover now