XIV

4.9K 82 1
                                    

bb💛

On the way na po kami, bb. enjoy your day with your family and soon to be family ko rin😉 I love youuuu po😘

"Deans, dalian mo naman" rinig kong reklamo ni luigi kaya sinend ko muna yun at nagdamit na

"Eto na kumalma ka nga" sagot ko naman dito at kinuha yung phone ko

"Anong oras ba yun?" tanong ni bea habang busy sa phone niya

Manonood kasi kaming tatlo ngayon nang premiere night ng unexpectedly yours

Friday ngayon kagagaling ko lang sa work at nacancel din yung training namin

Umuwi sa laguna ang bb ko, si jho naman may game kaya hindi makakasama

"7 pm at almost 6 na, kaya dalian niyo na jusko napakatraffic sa pinas" stress na paliwanag niya kaya natawa kami

Hindi ko alam kung pano nagawa ni luigi na magmameho ng sobrang bilis na hindi kami nababangga

He's so obvious na fan ng joshlia, actually lahat kaming tatlo fan

On time kaming dumating, I checked my phone pero wala akong nakuhang reply galing sa bb ko

Napangiti nalang ako, sure akong namiss niya ang family niya

"Hindi talaga makausap ng matino pag may jowa" rinig kong sabi ni luigi habang bumibili kami ng popcorn

Inakbayan lang namin siya ni bea at ginulo yung buhok niya

"Hindi ka pa ba sanay?" tatawa tawang sabi ko na lalong nakapagpasimangot sa kanya

"tigilan niyo kong dalawa" masungit na sabi niya at kinuha yung pinamili namin

"Okay, wala munang phone ah, bonding nating tatlo to ngayon" suggest ni bea at umagree naman kami

Natapos ang movie at sulit na sulit dahil andun si julia at joshua

"Guys picturan niyo kami"
"Deans, picturan mo din kami"

Natawa naman ako dun sa dalawa at dali dali ko naman silang kinuhanan

Tingin ko ay nakilala sila ng joshlia kaya nagkwentuhan pa sila pero natigil yun nung mapalingon si joshua sa pwesto ko

"Deanna Wong" gulat na sabi ni joshua nung mapansin niyang andun ako

Hindi pa ko nakakapagreact ng may nagsalita pa

"OMG deannaaaaa"

Nagulat ako nung yakapin ako ni julia, hindi ako agad nakapagreact dahil sa gulat at alam kong ganon din sila

Yung idol mo yayakapin ka? hindi ko yun iniexpect

"Papicture idol" rinig ko pang sabi ni joshua kaya napangiti ako

Sunod sunod na click sa camera ang naririnig ko

Pati yung dalawa ay ngising ngisi na kumukuha ng picture namin

Nagkakwentuhan kami pagkatapos nung pagpapapicture namin

"Maraming salamat sa pagsuporta sa movie namin mga idol" ngiting sabi ni joshua samin at kinamayan kami

FIRST LOVE (GAWONG/JEDEAN)Where stories live. Discover now