IX

5.5K 126 3
                                    

"Ate deanna papicture"
"Hala si deanna wong wahhhh"
"Picturan mo kami dali dali"

Nandito ako sa UST susunduin si mafe

Lahat sila ay pinagbigyan ko, sobrang kukulit din nila

"Bakit ka andito ate deanna, sa pagkakaalam ko sa ateneo nagpapractice yung creamline e hahahaha" tatawa tawang sabi ni claire, teammate ni mafe

"Mali ka po ata ng napuntahang gym hahahaha" dugtong niya pa

"Ang ganda naman po ng nasa phone case niyo" asar pa ni jona kaya lalo akong napangiti

Natawa nalang din ako sa pang aasar nila

2 by 2 picture kasi ito ng bb ko hahahaha

Hiningi ko sa kanya to dati at nasa akin pa rin

Flashback

"Jema dali tignan mo may papakilala daw si deanna sayo" tawag ni luigi kay jema na nasa medyo kalayuan samin

Napangiti naman ako nung naglakad siya palapit samin

"Ano ba yan luigi, pag ako pinagtitripan mo lang" taas kilay niyang sabi nung makalapit samin

"Papakilala daw ni deanna yung girlfriend niya" simpleng sagot ni luigi at umakbay pa sakin, nagbago ang expression ng muka niya

Hindi pa kasi kami official, hindi ko pa siya tinatanong

"Puntahan ko muna sila bea, kilala ko naman na yan e hahaha" tatawa tawang paalam ni luigi samin

Ang tahimik, walang nagsasalita,
nagtititigan lang kami

"So may girlfriend ka na?" basag niya sa katahimikan

Saming dalawa siya ang palaging malakas ang loob

"Oo, ito siya oh" ngiting sabi ko sabay pakita ng phone ko

"Pinagloloko mo ba ko, wong?
Masungit niyang tanong nung makita niya

Sarili niya kasi yung nakita niya sa camera ko

"Ganda niya no" ngiting sagot ko at inirapan niya ako na lalong ikinangiti ko

"Ang dami mong alam pero pumapayag daw siyang maging girlfriend ka"ngiting sagot niya pa

Niyakap ko siya, alam kong bata pa kami nung time na yun pero sigurado ako sa nararamdaman ko

"Penge akong 2 by 2 picture mo bb" pangungulit ko habang nagbabasa siya

"Ayoko nga" sagot naman niya at napasimangot ako

"Sige na kasi" pangungulit ko pa at sinide hug siya at hinahalik halikan yung pisngi niya, naramdaman ko namang medyo tumawa siya

"Ano munang gagawin mo? baka ipamigay mo yung picture ko, sinasabi ko sayo, Wong" natatawang tanong niya

"Gusto ko kasing may picture mo ko para alam nilang ikaw yung girlfriend ko tsaka hindi ko to ipapamigay, kasi kahit picture mo lang gusto ko sakin lang" sagot ko at naramdaman ko namang kinurot niya yung pisngi ko, pinanggilan niya actually

FIRST LOVE (GAWONG/JEDEAN)Where stories live. Discover now