XIII

5K 88 0
                                    

To bb💛

I miss you, bb. goodluck on your training, no injury po please. Iloveyouuuuuu❤️❤️❤️

Sinend ko muna bago nagpatuloy sa ginagawa ko

May biglaang meeting kasi kami kanina kaya hindi ko siya nahatid sa training nila,thankful naman ako kasi nagoffer si kuya cy na siya na maghahatid sa bb ko☹️

Nagstart na ko magwork sa company namin, nagoffer kasi si dad na dun nalang ako pumasok sa company namin para kahit papano magabayan niya ko para daw alam ko na kung pano ihandle ang company

Medyo mas mahirap kasi work na yung isasabay sa training

Nasa manila naman kasi tong business namin kaya hindi masyadong malayo

Sa bilis lumipas ng oras hindi ko na namalayan na matatapos na ang office hour

"Hindi pa ba nagrereply" ngiting bungad ni dad nung pumasok siya ng office ko

Naabutan niya kong nakatingin sa phone

"May kaylangan po ba kayo sir?" ngiting tanong ko at tumayo para salubungin siya

Formal akong makipagusap sa aking ama pag nasa loob kami ng company

"Tapos na ang offices hour, kaya dad mo na ko uli" tatawa tawang sabi niya at umakbay pa sakin

"dad talaga" ngiting sabi ko dito kasi ginulo niya pa ang buhok ko

Napahinto kami sa pagkukwentuhan nung nakarinig kami ng katok sa pinto at dahan dahan itong bumukas

Sa oras na yun parang tumigil ang lahat

Ang tanging naririnig ko lang ay ang pagbilis ng tibok ng puso ko

"Hi dad, Hi bb" ngiting bati niya samin nung makapasok siya at yumakap kay dad

Sobrang sarap sa feeling na makita mo yung taong mahal mo at ang ama na in good terms

Ganito pala kasaya pag tanggap nila ang relationship niyo

Flashback

"Bb, kanina ka pa tahimik" alalang tanong ko sa magandang babaeng nasa passenger seat

Gusto siyang mameet ng family ko, dahil vacation naman ay nandito sila sa isang bahay namin sa manila

Si dad palang ang kasi ang nameet niya at hindi rin nagkaron ng chance na mameet niya ang buong family ko dati

Hindi siya nagsasalita magmula nung nakasakay kami, nasabi ko na rin sa kanya na okay na kami ni dad pero parang ang dami pa ring bumabagabag sa kanya

Hininto ko ang kotse sa gilid ng daan at ihinarap ko siya sakin

Napagmasdan ko ang magaganda niyang mga mata pero bakas dito ang pag aalala

"Bb, relax" mahinahong sabi ko at hinalikan ang kanyang noo, pisngi at ilong

Nakapikit siya habang ginagawa ko to, gusto kong ginagawa sa kanya ito dahil sa ganitong paraan napapakalma niya ko

FIRST LOVE (GAWONG/JEDEAN)Where stories live. Discover now