"I want to see you bb☹️"
Napangiti ako nung mabasa ko ang text niya at tinigil muna ang lahat ng ginagawa ko
I love my bb's clingy side
To bb💛
Me too bb, I miss you poooo😘
May training kasi sila ngayon para sa laban nila against pocari bukas sa semifinals, sa awa ng diyos pasok na kami sa finals, at syempre mas magiging masaya pag nakapasok rin ang team ng bb ko
Napangiti naman ako nung maalala ko yung nangyare kahapon
Flashback
"Ang seryoso niyo naman mga lodi" tawag ng pansin samin ni kuya cy habang nakatapat samin ang phone niya kaya napangiti ako
"Seryoso naman talaga ko sa kanya" ngingiti ngiting sagot ko dahilan para lingunin ako ng magandang katabi ko
Mga 3 seconds din yata kaming nagtitigan lang at sabay din kaming napangiti
I'm sooooo inlove
"Grabe" singit ni mafe at hinila kami para magpatuloy sa paglalakad
"Buti nalang hindi ako pambansang 3rd wheel ngayon hahaha" tatawa tawang sabi ni kuya cy habang binulsa yung phone niya at sumunod samin
Nasa mall kami ngayon, hang out at bonding na rin dahil ngayon nalang kami nagkasama sama, si sheena ang hindi nakasama dahil may training
Medyo maaga pa pero may iilan ilan na rin agad na nagpapapicture samin na pinagbibigyan din naman namin
"bb, may pupuntahan lang kami saglit ni kuya cy" paalam ko sa mahal ko habang busy siya sa pagtitingin ng mga damit
"San naman kayo pupunta? kunot noong tanong ng baby ko kaya napangiti ako
Kahit anong expression niya napapangiti pa rin ako jusko
"May nakita kasi kaming chix kanina, hihingin ko sana number kaya nagpapasama ko" nakangising sagot ni kuya cy kaya napalingon ako sa kanya na nagtataka pero napangiti rin agad habang iiling iling
Inaasar na naman niya ang baby ko hahaha
Sinamaan naman niya ng tingin si kuya cy pero tuwang tuwa pa ito, kaya nilapitan ko na ang baby ko
"I love you" ngiting sabi ko at hinalikan ang noo niya
Napangiti ako lalo nung nawala na ang pagkakunot ng noo niya
"Saglit lang kayo, behave" ngiting sabi niya at trinap ang magkabilang pisngi ko
"Yes po boss" ngiting sabi ko bago siya nakawan ng halik
Mga ilang minutes rin nakabalik na kami
"Uy sunflower" pansin ni mafe sa hawak ko dahilan para mapansin rin ng magandang katabi niya na nakabalik na kami
Napangiti ako, uy akin lang siyaaaa
Naramdaman ko naman na umakbay sakin si kuya cy bago magsalita
![](https://img.wattpad.com/cover/166147644-288-k297883.jpg)