XIX

5.2K 139 7
                                    

"Huy deanna wong, dyan ka lang!"masungit na saway sakin ni ate ella kaya napasimangot ako

"Mamaya ka na pumasok" habol na sabi pa ni ate jia

"Ate naman e" maktol na sagot ko pero sinara lang nila ang pinto ng kwarto namin

Naiwan akong nakatayo sa labas ng kwarto habang nakatingin sa nakasarang pinto

"Hindi ka pinapasok no" tatawa tawang sabi ni ponggay at umakbay pa sakin

"Kwarto naman namin yun, pero ayaw nila ko papasukin"naguguluhang sabi ko

"Manggugulo ka lang kasi hahahaha" tatawa tawa pang sabi ni jules kaya napakunot ang noo ko

"Ano bang ginagawa nila sa room namin?" takang tanong ko

Nauna na kasi silang magpunta sa room assign namin kasi kinausap ko pa yung kaybigan ni dad na may ari ng resort kung nasa kami ngayon

"malalaman mo rin hahaha, samahan mo muna kami sa cr, magpapalit na rin kaming pang swimming" dire diretsong sabi ni ponggay at hinila ako

Nasa 2 days vacation kami, mga seniors and former lady eagles, hindi rin nakasama ang mga rookies dahil may mga pasok sila

Kasama ang bb ko, nagbanta pa silang wag na ko sumama kung hindi ko naman daw siya isasama hahahaha

"Ang tagal naman pongs" sabi ko pero tumawa lang siya at nangasar

Nauna na kasi si jules bumalik sa kwarto nila, may kukunin pa daw sya

"Grabe naman deans, halata naman masyadong gusto mong makita na agad ang sexy body ko" sabi niya pa nung lumabas na ng cr pero inirapan ko siya

"Hindi ako interesado" sagot ko at nagsimula ng maglakad pabalik ng room namin, nakasunod naman siya sakin

"Sa bagay parang mas sexy mamaya sakin si jema" bigla niyang sabi kaya napalingon ako sa kanya

Ngiting ngiti siya at tinataas baba pa ang kilay niya bago pumasok sa room nila ni ate mads

On cue bumukas na ang pinto ng kwarto namin

"Hot ng jowa mo" sabi ni ate ella bago ngiting ngiting lumabas ng kwarto namin

"Parang tinatawag na ko ng dagat woahhh!" sigaw pa ni ate mads na kasama si ponggay at jules nung makalapit samin

Iiling iling akong natawa dahil sa kakulitan nila bago pumasok ng kwarto namin

Nakasando ako pero bakit biglang uminit?

"bb" rinig kong sabi niya nung makita ako

Palagi nalang siya nag islowmotion sa paningin ko

"Hindi ba bagay?" tanong niya pa at lumapit sa pwesto ko

Para akong tinakasan ng sarili kong kaluluwa

"Si ate ella kasi sabi niya itry ko lang yung lipstick pero hindi niya na pinatanggal" nakapout niya pang sabi

Puso kumalma ka!

"Hindi ka ba komportable?" yun lang ang tanging lumabas sa bibig ko, tsaka hindi talaga naglilipstick ang bb ko

She's wearing polo na manipis at shorts na tumatakip sa two piece na suot niya

"Hindi ako sa-" hindi na niya natapos ang sasabihin niya nung halikan ko siya

Napangiti ako dahil nagulat siya sa ginawa ko

FIRST LOVE (GAWONG/JEDEAN)Where stories live. Discover now