Natalo kami sa game laban sa banko perlas
Hindi pa naman to championship game pero parang sobra sobra yung dissappointment na nararamdaman ko
Halos lahat ng teammate ko ay tapos nang magshower
"Deans, sumunod ka na lang ah" rinig ko pang paalam sakin ni jules
Narinig ko ang pagsara ng isang cubicle sign na lumabas na siya
Nilakasan ko yung pressure ng shower at dinadama ang malamig na tubig na dumadampi sa katawan ko
Nababalot ng katahimik ang shower room at ang tanging naririnig ko lang ay ang pag agos ng tubig
Naalala ko na naman yung mga nangyare kanina
yung mga error namin, yung kung pano na kami nafrustrate sa loob ng court, yung pagkatalo namin, yung dissappointment nila samin, yung kung pano ako nawala sa focus
Yung kung pano siya umalis
Sobrang daming tumatakbo sa isip ko
Kung pano siya umalis..umalis siya...sa kung pano siya nagmadaling umalis na hindi manlang siya lumingon sakin
Unti unti ko na namang nararamdaman ang mga namumuong luha sa mga mata ko
Kanina pa ko nasa shower room at kanina pa rin hindi tumitigil ang mga luha ko
Dahil sa frustration? lungkot? Dissappointment? hindi ko na alam
"Mahal ka niya deanna" paalala ko sa sarili ko, nagbabaka sakali na tumigil na ang pagpatak ng mga luha ko
Napatigil naman nito ang pagluha ko
Huminga muna ako ng malalim at pinatay na ang shower
Nagmadali na kong magbihis dahil ako nalang ang natitira dun at sure akong ako nalang ang hinihintay na nila
Walang gana akong akong lumabas ng shower room, parang sobrang down na down ako
Parang may kung anong mabigat sa dibdib ko, sobrang bigat sa pakiramdam
Habang naglalakad palabas ay patuloy ko pa ring tinitignan ang mga taong nasa paligid, umaasang baka andun siya, na baka bumalik siya, baka binalikan niya ko.pero wala, hindi ko siya nakita
Sinalpak ko ang earphone ko pero hindi kanta ang pinapakinggan ko
Boses niya, recorded voice niya na everytime na malungkot ako ay pinapakinggan ko
May ibang halatang gustong magpapicture pero alam kong nirerespeto nila yung oras kong to kaya hindi nalang sila tumutuloy magpapicture at sobrang thankful ako dun
Nagscroll nalang ako sa twitter habang naglalakad at tinuon dun ang atensyon ko.
Ang daming tweets, dm, message at text ang natanggap ko, mga galing sa fans, kaibigan at pamilya ko
Pero alam kung may kulang
Napangiti ako nung saktong makita kung sino ang nagtext
![](https://img.wattpad.com/cover/166147644-288-k297883.jpg)