IV

5.6K 121 0
                                    

Condo

"Deans may pagkain ka ba sa ref mo, nagugutom ako"tanong ni luigi at dumiretso sa ref

"Sige kunwari hindi ko alam na makikikain ka lang kaya ka pumunta dito" sagot ko habang kumukuha ng unan sa kwarto

"Namiss kaya kita, kaso namiss ko din ref mo e hahahahaha" sagot nya sabay kagat sa pizza na nakuha nya sa ref

"Anong oras daw ba dadating si jho at bea" tanong ko at niyakap yung unan na nasa tabi ko

"Maya maya andito na yun, pinabili ko na din ng pagkain hahaha" sagot niya at tumabi sakin

Binuksan ni luigi yung tv at saktong laban ng creamline ang pinalalabas

"Wala pa ring kupas si ate ly" komento ni luigi habang tutok sa panonood

"Di talaga papakabog to si mareng jema e hahahaha" sabi niya pa habang tatawa tawa

Hindi manlang siya nagbago kahit konti, ang ganda niya pa rin

"Gi, sa tingin mo ba kami talaga hanggang huli" bigla kong tanong habang tutok na tutok pa rin sa pinanood ko

"Alam mo namang naging witness kami sa pagmamahalan niyong dalawa, at magmula noon hanggang ngayon patuloy pa rin kaming naniniwala na kaya niyo" napangiti nalang ako sa naging sagot niya pero nakatanggap ako ng text na lalong nagpangiti sakin

*toot*
1 message received

Lodi

Namiss ka na namin lodicakes, pakita ka naman samin ☹️

3rd year high school

"Deans, tapatin mo nga kami" biglang sabi ni luigi

Napataas naman ako kilay, at tuluyang tumingin sa kanya, pati si bea napatingin na rin na kanina pa busy sa kakatingin kila jho habang umoorder ng kakainin namin

"Huh"takang tanong ko

"You like jema" walang kakaba kabang sabi niya, alam kong hindi yun isang tanong

Tinignan nila kong dalawa, na parang matagal na nilang hinihintay ang isasagot ko, nang may nagsalita mula sa likod ko.

FIRST LOVE (GAWONG/JEDEAN)Where stories live. Discover now