Jema POV
"Jems may naghahanap sayo" rinig kong sabi ni coach carlo kaya tinanguan ko siya at nginitian
"Jemalyn dalian mo magsintas, yung bb mo nasa labas" nakangising sabi ni kyla kaya binato ko sa kanya ang knee pad ko pero tatawa tawa lang siyang sinalo ito at tinulak ako palabas
Muntik pa kung matumba dahil di ko inaasahan na itutulak niya ko pero may sumalo sakin at naramdaman kong yumakap siya sakin
I feel safe and comfort sa mga yakap na yun
Lahat ng kaba at pag dududa na nararamdaman ko ngayon ay biglang nawala
"See you in finals bb" nakangiting sabi niya tsaka hinalikan ang noo at mga pisngi ko
Ang cute at ang clingy ng baby ko pano kumalma!
"Uy namumula siya, crush mo talaga ko no" ngiting ngiti niyang sabi at nilapit niya ang muka niya lalo
Yung puso ko parang balak na ata lumabas sa dibdib ko!
Dumapo ang tingin ko sa mapupula niyang labi
Jema, magpigil ka jusko
"Crush talaga ko ng crush ko" pilyo niya pang sabi kaya di ko na napigilan
I kissed her
Kung kanina ako lang ang namumula ngayon pati pisngi at tenga niya namumula rin
Kinikilig ako everytime na kinikilig siya jusko feeling ko ang ganda ganda ko dahil may deanna wong sa buhay ko
"Ang dami pa kasing sinasabi" ngiting sabi ko at niyakap siya ng mahigpit
Para matago ang pagbablush ko
Mga ilang seconds din ay ginantihan niya ko ng yakap kaya napangiti ako pero may sinabi pa siya kaya lalo akong napangiti
"Kung hindi niyo lang game ngayon, baka inuwi na kita"
----
Nagwawarm up na kami dahil malapit na rin magistart ang game
Isang panalo na lang papasok na kaming finals
Nagpray ang team bago magsimula ang lahat
"Nakita ko yun" rinig kong sabi ni kyla at tinutusok pa ang tagiliran ko kaya natawa ko
Nasa likuran ko kasi siya nakapila para sa pag received ng bola
"Syempre may mata ka, talagang makikita mo yun" simpleng sagot ko habang ngingiti ngiti pero inirapan niya ko kaya ako lalong natawa
"Ang lalandi, pero kinilig ako dun hahahaha" sabi niya pa kaya napangiti ako
Ako din naman kinikilig hahaha
"Look who's here" rinig naming sabi ni kuya synj
Napatingin ako sa pwesto ng baby ko, nakatingin din siya sa pwesto ko, ngumiti siya at nag senyas ng "iloveyou"
Hindi talaga siya nabibigong pasayahin ako at sobrang thankful ako dahil dun
Alam kong babae siya pero ang gwapo jusko
"Iloveyoutoo" ngiting sabi ko na parang naririnig niya ko