XV

4.7K 81 2
                                    

"Ganitong ganito yung naramdaman ko nung unang beses akong nakapunta dito" kabado kong sabi sa sarili at huminga ng malalim

Flashback

2nd year college

"bb, tatayo ka nalang ba dyan?" ngiting tanong niya at lumapit sakin

Kinabahan na ko pero pansin ko paring sobrang ganda niya

Hinawakan niya ang mga kamay ko

"Hala ang lamig ng kamay mo bb, okay ka lang ba?" alalang tanong niya sakin at hinarap ako sa kanya

"bb, kinakabahan ako. pano kung ayaw nila sakin? pano kung hindi nila ko gusto para sayo? pano kung tanungin ako ng dad mo kung pano kita bubuhayin? tapos malalaman niya pang hindi pa ko graduate, baka palayuin ka niya sakin, ayokong mangyare yun bb" puno ng pagaalalang sabi ko pero halik lang sinagot niya sakin

Hindi na ko nakapagsalita, yung puso ko nalang ang tanging nagsasabi kung ano ang nararamdaman ko ngayon

Alam na alam niya talaga kung pano ako patigilin sa pagsasalita

Ngumiti siya nung mapansin niyang nagbago na ang expression ng muka ko

Hinding hindi ko pagsasawaang makita ang mga ngiting yan

"bb, gusto ka palang nilang makilala kumalma ka nga hahahaha, teka nga, balak mo na ba kong pakasalan agad kaya ganyan ka kabahan? tatawa tawa niyang sabi habang hawak ang magkabila kong pisngi

"Pero kasi-

Hindi na niya ko pinayagang makapagsalita nang hilahin niya uli ako para sa isang halik

"Wag ka ng kabahan bb, gusto ka na nila nung nalaman palang nilang ikaw ang mahal ko"

Nagagawa niya talagang alisin lahat ng pangamba ko

End of flashback

Pipindutin ko na sana yung doorbell pero biglang bumukas yung gate nila

"Deanna?" gulat na sabi ni ate jovi nung makita niya kong nakatayo sa tapat ng bahay nila

"Hi ate jovs" nahihiya kong sabi habang nakangiti, nginitian niya rin ako

Actually 8am palang, halatang halata yatang gusto ko makita ang bb ko

"Iba din talaga yung kapatid ko, pinupuntahan sa bahay ng girl crush ni julia baretto hahahaha" tatawa tawa niyang sabi habang kinukuha ko sa kotse ko yung mga dala ko

"Ate jovi naman e" reklamo ko dahil kanina niya pa ko inaasar pero tinawanan niya lang ako

"Una ka nang pumasok deans, alam mo naman na dito di ba? may pupuntahan lang ako saglit" paalam ni ate jovi at niyakap ako

Nakapunta na ko sa loob ng bahay nila

Pero yung kaba ko parang yung kaba ko nung unang beses akong pumasok dito

Ganito pa rin ang itsura ng bahay nila, tulad nang dati, kasing laki ito ng bahay namin

Sa labas palang ay matatanaw mo na kung gano kalinis ang bahay nila

FIRST LOVE (GAWONG/JEDEAN)Where stories live. Discover now