Walang nagsasalita, walang gustong magsalita
Kasalukuyan kaming nakaupo sa sofa kung saan may nakalagay na dalawang starbucks coffee sa tabi nitong mini table
Tanging bakas nalang ng pagluha ko ang makikita dahil namamaga ang aking mga mata
Sinuot ko na rin yung binigay saking damit kanina
Natigil lang ang katahimikan nung tumunog ang phone ko
*toot
1 message receivedCeline
Deans naalala ko na kung san ko siya unang nakita 4 years ago, sa wallpaper ng phone mo nung unang beses kang pumunta dito😏
Napangiti naman ako sa text niya pero lalo akong napangiti sa sinabi ng katabi ko
"Sino naman yang nagtext at ngiting ngiti ka dyan, Wong"
Flashback
4 years ago
Sobrang daming nangyare ngayong araw
Yung dapat na masayang araw ay puro kalungkutan
Kinausap ko si dad pero naging sarado ang isip niya at hindi manlang ako pinakinggan
at yung taong mahal na mahal ko napagod na, napagod na para ipaglaban kami, napagod na kasi hindi ko manlang siya naipaglaban
yung taong naging mundo ko sumuko na, hindi ko na alam kung paano magsisimula uli
Hindi ko alam kung pano ko nagawang magmameho ng maayos at nakarating sa lugar na to
Uminom lang ako na parang wala manlang nararamdamang pait sa iniinom ko
Para mabawasan yung sakit na nararamdaman ko ngayon
Nagbabakasakaling mapawi yung sakit
Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mata ko na nagmumula sa bintana ng kwarto
Pinilit kong idilat ang mga mata ko at napansin kung wala ako sa dorm namin pero may nakita akong natutulog sa sofa malapit sa kama na hinihigaan ko
Hindi ko pa maaninag kung sino man yung natutulog dun dahil napapikit ako sa sobrang sakit ng ulo ko
"Buti gising ka na deanna wong" sabi niya habang nagistretch ng katawan niya
Nagising na pala siya
"Celine?takang tanong ko nung malaman ko kung sino yung kaninang natutulog dun
"The one and only" ngiting sabi niya pa at inabot sakin yung phone ko
"bakit ako andito? bakit ka andito? bakit nasayo yung phone ko" gulong gulo kung tanong sa kanya
"Isa isa lang naman ang tanong hahaahaha" tatawa tawa niyang sabi at umupo sa tabi ko
"Una sa lahat nasa VIP room ka, pangalawa kaya ako nandito kasi ako yung may ari nito hahahaha at panghuli nasakin yung phone mo kasi po nakatulog ka lang naman dun sa counter dahil sa kalasingan kagabi buti nalang tumunog yang phone mo at nakita kita dun" mahabang paliwanag niya
![](https://img.wattpad.com/cover/166147644-288-k297883.jpg)