Nagising ang diwa ko nung maramdaman kung wala na akong katabi
Dahan dahan na minulat ko ang aking mata
Nadako ang tingin ko sa orasan na nasa ibabaw ng table, 4:30 am palang
Nagtaka naman ako dahil madalas ay 5 am kami nagigising dahil may work
"Love?" tawag ko at dahan dahan akong tumayo para gawin ang morning ritual ko bago tuluyang lumabas ng kwarto at hanapin ang asawa ko
"Asawa ko" napangiti ako dahil sa huling naisip ko
It has been 5 years since we got married
5 years full of love and happiness
Hindi ko alam pano ko naging deserve ang lahat ng meron ako ngayon pero palagi ko yun pinagpapasalamat
Pumunta ako sa kusina at dun nakita ko siya, nakatalikod siya mula sa pwesto ko
"Cute" ngiting bulong ko nung mapansin kong suot niya ang yellow apron na bigay ni mom
May mga nakahain na rin sa lamesa, marahil ay patapos na rin siya magluto
Dati ay iniimagine ko lang ang scenario kung nasan ako ngayon, pero ngayon totoo na
Hindi ko na alam kung gaano ako katagal na nakatayo lang dun at masayang pinagmamasdan ang pinakamagandang babae na mahal na mahal ko
Kasabay ng tunog na nagmumula sa pagpatay ng stove ay siyang paglingon niya sa pwesto ko
Agad kong nasilayan ang napakagandang ngiti na hindi ko pagsasawang makita sa araw araw
Napagmamasdan ko ang bawat paggalaw niya, mula sa paghawi ng kanyang buhok hanggang sa kung pano siya ngumiti ng makita ako
She make me believe in slow motion
Nagflashback lahat sakin nung magsimula siyang humakbang palapit sa kung nasan ako ngayon
Flashback
THE WEDDING
Mababakas ang ngiti sa bawat isa na nandito
Typical deanna wong, papi as always with her white tuxedo
"Get yourself together, deanna" bulong niya sa sarili
She was standing by the altar, she felt like her knees going jelly-like
"Congratulations"
Kanina pa niya naririnig ang mga salitang yan at hinding hindi siya nagsasawang magbigay ng pasasalamat dahil isa itong araw na to sa pinagpapasalamat niya
Ang hindi alam ng iba ay magkakahalong emosyon ang nararamdaman niya ngayon, kaba, excitement, sobrang kasayahan
![](https://img.wattpad.com/cover/166147644-288-k297883.jpg)