Prologue

74.1K 770 21
                                    

⚠️ This story is a work of fiction. Any names, characters, places, organisations, localities, businesses, incidents and events having resemblance to real-life counterparts are entirely coincidental and were made through the author's imagination. ⚠️






Prologue


TWO WEEKS na mula nang mag-sama kami ni Hunter dito sa condo unit niya at talagang pinapakita niya sa akin ang hindi pagka-gusto ng presensya ko. Lagi niyang pinaparamdam sa akin na hindi ako welcome dito pero hindi ko siya susukuan.

Ngumiti ako nang makita kong nakabihis na si Hunter. Papasok kami pareho sa kaniya-kaniya naming Unibersidad pero hindi talaga kami nag-sasabay pumasok dahil madalas ay maaga siyang umaalis. Alam kong sinasadya niya iyon para hindi ako makasabay.

"Pasok na tayo?", nakangiti kong yaya.

Tumingin siya sa akin. "You're too early", komento niya.

"Gusto kong sumabay sa 'yo. Pwede mo ba akong i-hatid?", nakangiti ko pa ring sabi.

Masungit niya akong tinignan. "Get a life, Gaea. Wag mo akong pinipeste dahil ang aga-aga palang."

"Please? Two weeks mo na akong iniiwasan. Hindi naman yata pwede iyon, Hunter. Nakatira tayo sa iisang bubong. Pamilya na din tayo ngayon. Heto nga at magkaka-baby na tayo", pilit kong sinundan siya sa pag-lalakad.


Yes, buntis ako. Isang buwan na at si Hunter ang ama. Nalaman ko ito nung nag-break kami at agad kong pinaalam kay Hunter. Galit na galit siya sa akin dahil desperada daw ako sa kaniya. Pero nagulat na lang ako nang sunduin niya ako isang araw sa Unibersidad namin at dinala ako sa bahay nila. Kinausap kami ng mga magulang niya. Napag-alaman kong sa kuya niyang si kuya Gunther ang nag-sabi sa kaniyang i-paalam sa mga magulang nila ang kalagayan ko dahil narinig niya ang pag-uusap namin noon. Galit na galit ang daddy nila kay Hunter pero wala din namang nagawa kundi tanggapin ang sitwasyon at sinabing pananagutan ni Hunter ang pag-bubuntis ko.

Samantalang sa amin naman, bukod kay mama, nagalit din sina kuya Gabriel at ate Genesis sa akin. Sobrang na-disappoint ko sila dahil ako nga ang inaasahan nilang tutulong sa kanila sa pag-ahon sa amin sa hirap dahil malapit na akong grumaduate pero heto at buntis ako.

Nag-kasundo naman na ang mga magulang namin. After grumaduate ni Hunter ay mag-papakasal kami sa simbahan. Dapat ay sa mansion nila Hunter kami titira pero itong si Hunter ayaw tumira doon at nag-pilit na sa condo daw siya titira kaya ang nangyari, pati ako ay sa condo pinatira. Kailangan daw kasi naming ayusin ang relasyon namin para sa bata at iyon naman ang ginagawa ko.

"We're not family. Kahit pa kasal na tayo ay hindi tayo pamilya", galit niyang sabi.

Ouch. Hindi ko ba alam kung bakit ganito na lang ang galit sa akin ng lalaking ito. Kung tutuusin ay dapat ako ang magalit dahil siya ang nag-loko noong mag-boyfriend girlfriend pa kami.

"Okay. Basta sasabay ako sa 'yo", sabi kong pilit na ngumiti.

"Out of way ang University mo. Mag-taxi ka na lang", iritado niyang sabi.


Umiling ako. Gusto ko siyang kasabay. "Kahit i-baba mo na lang ako sa may sakayan ng jeep papuntang Univ, okay na ako dun."

Huminto siya sa paglalakad at hinarap ako. Salubong ang mga kilay niyang nakatingin sa akin. "Bakit ba ang kulit mo?! Kung inaakala mong maibabalik mo pa ang dati, nag-kakamali ka. Move the fucking on, Gaea! You've wasted your whole 5 years from me already! Tama na! Naiintindihan mo ba ako?"

The Unwanted WifeWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu