1

36.2K 511 28
                                    

Chapter One
I Wanna Sleep Beside You


SOBRANG lakas ng kabog ng dibdib ko nung lumapit sa akin si Hunter.

"Bakit ngayon ka lang? Where have you been? Kasama mo na naman siguro 'yung best friend mong mayabang", sunud-sunod niyang tanong.

Gusto kong ngumiti pero kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan iyon. Para kasi siyang nag-seselos.

"U-Uhmm.. umuwi ako sa bahay", sagot ko.

"Why are you with that jerk, then?"

"Si Kit? Hinatid niya lang ako. Paano mo ba nalaman na siya ang kasama ko? Isa pa, kasama din namin si Kish." Nakakapag-takang alam niyang kasama ko si Kit.

Umiling siya bago lumayo sa akin. "Next time, sabihan mo ako kung saan ka pupunta. Kung gagabihin ka ng uwi para alam ko."

Tumango ako. Bakit ba siya ganito? Parang concern siya sa akin at kinikilig naman ako.

"Baka gusto mo na akong palabasin? My friends are waiting outside. O baka gusto mong..", pilyo niyang sabi na hindi tinapos ang sasabihin at lumapit ulit sa akin.

Mabilis akong umiwas nang nilapit niya ang mukha niya sa akin at lumayo sa kaniya. Ngumisi muna siya bago umalis ng kwarto. Napabuga naman ako ng hangin at napahawak muli sa dibdib ko. Naupo ako sa kama. Biyernes nga pala ngayon kaya sa kwarto ako ni Hunter matutulog dahil bukas ay dadalaw ang mommy niya.

Dalawa ang kwarto ng unit, yung kwarto ni Hunter at ang guest room. Ang guest room ang pinagtutulugan ko pero kada WF ay kinakailangan kong matulog sa kwarto ni Hunter dahil Thursday at Saturday ang weekly visit ng mommy niya. Dahil nga sa kagustuhang magkasundo kami ni Hunter kaya ayaw naming malaman nilang magka-hiwalay kami ng tinutulugan. Kapag weekend naman ay umuuwi kami sa mansion nila.

Paglabas ko ng kwarto para maligo ay wala na sila Hunter sa sala. Hindi ko alam kung saan sila pupunta. Madalas naman silang lumabas tuwing gabi at hindi nag-sasabi si Hunter. Pagkatapos kong maligo ay nagpatuyo lang ako ng buhok bago nahiga sa kama.



⚜️



Naalimpungatan ako nang marinig ko ang boses ni Hunter. Tumingin ako sa digital clock na nasa bedside table at nakalagay doon na 3:26am na.

"You should go. Hindi ka pwedeng makita ni mommy", narinig kong sabi ni Hunter sa kung sinumang kausap niya.

Bumangon ako at sinuot ang tsinelas ko. Binuksan ko ang pinto ng kwarto at nakita ko ang isang babaeng palabas ng unit habang hawak ni Hunter ang bewang nito.

"I'll see you tomorrow, then", malanding sabi ng babae.

"I'll call you", sabi naman ni Hunter dito.

Narinig ko pa ang halikan nila bago sinarado ni Hunter ang pinto. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Nasasaktan ako, oo, pero hindi ko alam kung magagalit ba ako o hindi na lang.

"Did I wake you?", tanong niyang parang wala lang ang nakita ko.

Tinignan ko siya. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya. Hindi ko din alam kung ano ba talaga ang nararamdaman niya sa akin. Hindi na ba talaga niya ako mahal? Paano niya nagagawa ito sa akin? Nag-uwi siya ng babae dito sa unit namin. Wala na ba siyang respeto man lang para sa akin? Hindi ko tuloy alam kung ngayon lang ba siya nag-uwi o madaming beses na niya itong nagagawa sa tuwing tulog ako.

The Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon