Epilogue

36.9K 537 83
                                    

Hi, everyone! This is the last chapter 🙂 Thanks for reading and supporting my work 🙂 enjoy reading! Unedited po ito so hindi ko alam kung sabaw or what. 😅 sana magustuhan niyo pa din 😁 xoxo 💕
_________________________

Epilogue
Hunter's PoV


MAMAYA PA ang laro namin sa basketball dahil may cheerleading competition pa daw na magaganap pero minabuti naming mag-jersey shorts na at t-shirt na muna. Nakaupo kami ng mga kaibigan ko dito sa bleachers habang nanonood ng mga cheer. Ayoko sanang manood dahil wala naman akong interest sa ganito pero mapilit ang mga kaibigan ko. Gusto lang naman nilang maghanap ng chics.

Medyo nabobored na ako. Nagpasya akong lalabas na dapat ng gym nang biglang mag-perform ang huling school at nadapo ang tingin ko sa isang babaeng may katangkaran sa may center. She's pretty and wow! Hindi ko alam pero may something sa kaniya na gusto ko na lang siyang titigan at panoorin.

"Hoy, Hunter! Matunaw 'yan ah!", biro ni Caelan sa akin.

"Shut up, Caelan!"

Nang hawakan siya ng partner niya sa bewang ay nainggit ako. Gusto ko ako ang humawak nun. Nung i-angat siya sa ere at nag-final pose saka ngumiti, gusto ko ako ang tignan niya para ngitian. Fuck!

Nung matapos ang performance nila ay nakasunod lang ang tingin ko sa kaniya. Nung lumabas siya ng gym ay agad din akong lumabas at nakasunod ang mga kaibigan ko.

"Sino bang sinusundan mo? Para kang asong bubuntot-buntot ah", ani Jake sa akin.

"Yun oh! Chics", sagot ni Caelan kay Jake.

"Bro, hindi sinusundan ang chics. Dapat kinikilala 'yan para mapormahan", sabi ulit ni Jake.

"Tumahimik ka nga", saway ko.

Gusto ko naman talagang makipagkilala kaya lang ay para akong natotorpe. Hindi ko ba alam pero nung nakita kong nag-iisa na siya ay doon lang ako naglakas ng loob. Nung iniwasan niya ako, ang sama ng pakiramdam ko pero buti na lang sinabi din niya ang pangalan niya. She's Gaea — the Greek goddess of Earth huh? Well, her name suits her. She's like a goddess to me.. my goddess. Dang!

We became friends. Nakilala ko ang mga kaibigan niya at nakilala niya din ang mga kaibigan ko. We often hang out lalo na kapag sinusundo ko siya sa school nila. Madalas ay kaming dalawa lang ang lumalabas dahil gusto ko solo ko siya hehe.

6 months. 6 months ang hinintay ko bago ako nakasigurong gusto ko talaga siya kaya sinabi kong liligawan ko siya and it took a year bago niya ako sinagot kaya naging mag-boyfriend at girlfriend kami.

Sobrang saya ng mga araw na kasama ko siya. Sobrang saya dahil mahal na mahal ko siya at ganun din siya sa akin. 'Till one day I got a call from an unknown number.

"Hunter..", said the voice from the other line.

"Who's this?", tanong ko.

"This is.. Mira."

Natigilan ako. Mira. The girl who broke me and the girl I loved before Gaea. Sobrang minahal ko si Mira to the point na pati pamilya ko ay kinalaban ko para sa kaniya kaya nung bumalik siya at sinabi niyang gusto niyang magkabalikan kami ay sobrang nalito ako sa naramdaman ko. Tangna! Ang gago ko! Pinili ko si Mira pero ayokong ako ang makipag-hiwalay kay Gaea.

The Unwanted WifeWhere stories live. Discover now