15

27.1K 371 11
                                    

Chapter Fifteen
Bagay


NANG MAGISING ako kinabukasan ay naligo at nagbihis na muna ako bago nagpuntang kusina. Dinaanan ko muna ang kwartong inookupa ng mga lalaki at tulog pa sila. Naabutan ko sa kusina si aling Trining kasama si Faith na nag-luluto ng agahan kaya nakitulong na din ako. Si Kish ay tulog pa kanina at si Page naman ay bagong gising nang makabihis ako.

"Pagkatapos kong magluto, Gaea, pupunta ako sa bayan. Baka may gusto kayong i-pabili?", sabi ni aling Trining habang nagpi-prito.

"Ano pong gagawin niyo dun?", tanong ko.

"Mamimili ako ng mga pagkain. Paubos na kasi ang laman ng ref. Baka hindi na umabot hanggang bukas. Malalagot ako kay Gunther kapag nagutuman ka", sagot niya.

"Aww, I'm jealous", narinig kong komento ni Faith.

Nang tumingin ako sa kaniya ay ngumisi lang siya.

"What?", halos pabulong kong sabi dito.

Nag-shrug siya ng mga balikat niya. "Gunther Monteverde is so caring. I'm jealous, you know? Kung hindi ko lang alam na kapatid siya ni Hunter at nagpapaka-brother-in-law lang siya sa 'yo ay talagang iisipin kong gusto ka niya", sagot niya sa akin na lumapit pa para hindi siya marinig ni aling Trining.

"Baliw ka talaga. Hindi ako magugustuhan ni kuya Gunther."

"You'll never know", sabi niya bago naupo sa isang upuan na medyo malayo sa akin.

I make face tapos binalingan ulit si aling Trining para balewalain ang sinabi ni Faith.

"Baka po pwedeng sumama kami sa inyo? Para makapasyal din po ang mga kaibigan ko sa bayan bago man lang sila umuwi."

"Pupwede din naman kung gusto niyo. Hintayin ko kayong matapos kumain", sagot niya.

Habang nag-hahain si aling Trining ay pinuntahan namin ni Faith ang mga kaibigan namin. Si Page ay nakaligo na at nakabihis. Si Kish naman ay kakalabas lang ng banyo. Sinabi nitong magbibihis lang siya bago sumunod sa hapag. Nang puntahan naman namin ang kwarto ng mga boys ay tulog pa din sina Owen at Kit. Si Rey naman ay bagong gising lang at nag-uunat pa.

"Wake up, boys! It's time to eat!", sigaw ni Faith sa mga ito sabay yugyog.

Nang magmulat sila ng mga mata nila ay inulit ni Page ang sinabi ni Faith na kakain na kaya bumangon na sila. Naghilamos lang muna sila at nagmumog saka kami dumumog sa hapag. Kakaupo lang namin nang dumating na din si Kish kaya sabay-sabay na kaming kumain.

"After nating kumain sasama tayo sa bayan kay aling Trining", sabi kong patapos ng kumain.

"Hindi pa tayo naligo", sabi ni Owen kay Kit at Rey.

"Ang arte nito. Okay na 'yan. Hindi naman kayo aamuyin dun", sabi ni Page.

"Malay mo may makita akong chics dun. E 'di sira ang diskarte pag nilapitan ko kasi amoy laway pa ko", rason ni Owen na pinagtawanan namin.

"Puro ka kalokohan! Sa bayan lang ang punta natin. Mauusukan din naman tayo", sabi ni Rey dito.

"Sila nga nakaligo na e", sabi ni Owen na tinuro kaming mga girls.

"Babae ka ba? Ba't ang arte mo?", tumatawang sabi ni Kit.

Sumimangot si Owen. "Pinagkaka-isahan niyo talaga ako. Sige na. Hindi na ko maliligo."

Nagtawanan kami.

"Hindi ko alam na ganyan ka pala ka-arte, Owen", tumatawang biro ni Faith.

"Tss", iyon na lang ang sinabi ni Owen.

Nang matapos naming i-ligpit ang mga kinainan namin ay tinawag na namin si aling Trining at dumiretso na kami sa van na siyang sinakyan nila papunta dito. Si Owen ang nag-prisintang mag-drive. Si Rey ang tumabi dito sa front seat. Kami ni aling Trining ang nagtabi at kaniya-kaniyang pwesto na din ang apat sa likod.

20 minutes ang biyahe mula sa rest house hanggang sa bayan. May katabing maliit na mall ang public market nila doon kaya minabuting pumunta doon ng mga kasama ko para sa groceries. Kami naman ni Kit ang sumama kay aling Trining na mamalengke ng mga gulay at karne.

Akala ko ay magiging awkward kami sa isa't isa ni Kit matapos ang naging usapan namin kagabi pero buti na lang si Kit ito. We're friends, no, best friends for so long.

"Nandoon ang suki ko kaya doon tayo", sabi ni aling Trining na tinuturo ang pwesto ng kaniyang suki.

Hawak ni Kit ang basket. Nakasunod kaming dalawa kay aling Trining habang naglalakad.

"Nay Trining!", bati ng nagtitinda na siguro'y nasa 40's na nang makita si aling Trining.

"Delia, pabili ako ng mga gulay", nakangiting sabi ni aling Trining dito.

"May kasama ho kayong bagong mukha. Ito na ba ang apo niyong galing Maynila?", tanong ng babae nang magawi ang paningin sa akin. "At ito naman ang asawa niya?", dagdag niyang tumingin naman kay Kit.

Nagkatinginan kami ni Kit pero agad din akong umiwas.

"Naku, hindi, Delia. Mga bisita sila. Tumutuloy sila sa bahay ng mga Monteverde. Ito nga pala si Gaea at Kit. Ito naman si Delia, suki ko siya dito sa palengke", sagot ni aling Trining na pinakilala pa kami sa isa't isa.

Ngumiti kami pareho ni Kit.

"Hello po", bati ko.

"Ay, pasensya na. Akala ko'y ikaw ang apo ni nay Trining."

"Okay lang ho."

"Ngayon lang yata nagkatao ulit ang bahay ng mga Monteverde. Sina Gunther at Hunter ba, e kasama niyo rin?", tanong ni aling Delia.

"Hindi po e. Busy po kasi si kuya Gunther sa trabaho. Si Hunter naman po ay may pasok", sagot ko.

"Mga kaibigan nila kayo?"

Tumango na lang ako.

"Mag-asawa ba kayo nitong si pogi?", usisa ulit ni aling Delia.

Napatingin ako kay Kit. Buti na lang at busy siya kasama ni aling Trining na namimili ng mga gulay kaya hindi niya narinig ang tanong ni aling Delia sa akin.

"Naku, hindi ho. Mag-kaibigan lang ho kami ni Kit."

"Ay, sayang naman. Bagay kasi kayo", nakangiti niyang sabi bago ako iniwan at lumapit sa ibang mamimili.

Tumingin ako ulit kay Kit at nagulat ako nang nakatingin din siya sa akin. Ngumiti siya kaya ngumiti din ako.

"Is it really too late, Gaea? Hindi mo na ba ako kayang mahalin ulit?"

Naalala kong tanong iyon ni Kit sa akin kagabi na inilingan ko lang bago siya iniwan.

Bumuntong-hininga ako. Kung wala lang si Hunter ay pwede pa pero hindi e. Merong Hunter sa buhay ko. Siya pa rin ang mahal ko kahit na nasasaktan niya ako.




The Unwanted Wife
by rhomexx

The Unwanted WifeWhere stories live. Discover now