24

24.3K 357 40
                                    

Hello po! I have good news 🙂 baka po by Monday ay complete na po ito. Wag niyo lang po ako i-pressure hehe kasi baka po di maganda kalalabasan 😅 May work din po kasi ako kaya hindi ko matapos-tapos pero try ko po siya tapusin sa Sunday para ma-update ko Sunday o Monday na complete na 🙂 Thank you po! Xoxo 💕
_________________________

Chapter Twenty-four
The Stranger


NAPADAING AKO nang maramdaman ang pagkirot ng ulo. Nang maramdaman ko na parang hinahalukay ang tiyan ko ay mabilis akong tumayo at dumiretso sa banyo para magsuka. Nakailang mura pa ako sa utak ko habang nagsusuka at sobra-sobrang pagsisisi dahil hindi ko pinigilan ang sarili kong uminom kagabi.

Nang matapos kong magsuka ay naghilamos na ako at pagtingin ko sa salamin ay saka ko lang narealize na hindi ito banyo ng kwarto ni Kish sa unit niya. Lalong hindi ito banyo sa apartment namin! Nasaan ako?!

Napatingin ako sa suot ko. Isang puting long sleeves polo, wala akong bra sa loob pero nakasuot naman ako ng panty para sa pang-ibaba. Damn! What is happening?! Is this another one night stand?! Shit! I'm so fucked up! Pero wala akong katabi kanina!

May narinig akong kaluskos sa labas. Nanlaki ang mga mata ko. Pinipilit kong alalahanin ang mga nangyari kagabi pero wala! Ang naaalala ko na lang ay mga putol-putol na eksena ng marubdob na halikan sa kama! Sinabunutan ko ang sarili ko. Hindi na ako iinom! Kailangan ko ng i-ban ang liquor sa sarili ko! And I swear, sinusumpa ko ang lahat ng klase ng alak sa mundo!

Inayos ko ang sarili ko at huminga ng malalim. Kailangan ko ng umalis dito. May trabaho ako! At late na ako! I should act like I don't really care about what happened last night because this is just a one night stand. Yes, that's how I should act. Right?

Pinihit ko na ang door knob. The guy's standing beside the table. Inaayos niya ang mga pagkain at nakatalikod siya sa akin. He's wearing a black tee and a cotton shorts. Pinagmasdan ko ang likod niya pababa hanggang sa dumapo ang tingin ko sa may puwetan niya. Sexy. Fuck! He has a nice booty! Halos mag-laway ako.

Pinilig ko ang ulo ko. Kailan pa ako naging ganito kalaswa mag-isip? Lumabas ako sa banyo at mabilis na pinulot ang mga damit ko.

"What are you doing? Let's eat", aniya.

Mula sa pagpulot ng bra ko ay nahinto ako at pumihit paharap sa kaniya. Nanlaki ang mga mata ko nang mapag-sino siya.

"H-Hunter?", halos hindi ako huminga nang banggitin ko ang pangalan niya.

What the heck is he doing here?! Siya ang naka-one night stand ko kagabi?! Pero bakit? Paano ang asawa niya? Shit! Lalo pang bumigat ang kasalanan ko ngayon! He's married! I fucked a married man! Dammit!

"Let's eat first before you change", sabi niya.

Umiling ako. "No. Kailangan ko ng umalis. May trabaho pa ako", I managed to say.

"I've already texted Tyrone. I told him you're not going to work today."

Kumunot ang noo ko. What?!

"What?! Why did you do that?!", galit kong sigaw dito.

Nag-kibit siya ng mga balikat. "You can't go to work, Gaea. I won't let you go to work", mariin niyang sabi.

The Unwanted WifeWhere stories live. Discover now