14

25.2K 382 4
                                    

Chapter Fourteen
Too Late


"WHY ARE YOU running away, Gaea?", bulong muli sa akin ni Kish.

Umiling ako pero hindi ako nagsalita. Gusto ko lang namang maging maayos muli para sa sarili ko. Hindi naman masamang maging selfish minsan, 'di ba?

Nang lumalim na ang gabi ay nagpasya kaming pumasok na sa loob. Lumalamig na din kasi ang simoy ng hangin. Nauna ng pumasok sina Faith at Page na tipsy na. Sina Owen at Rey naman ay nag-iinuman pa pero halatang may tama na. Si Kish naman ay tulog ng nakasandal sa akin.

"Tama na 'yan, Wen, Rey", awat ni Kit sa dalawa.

"Kish..", tawag ko naman kay Kish na tinapik ng mahina ang kamay niya.

"Hmm?", ungol niyang unti-unting nag-mulat ng mga mata.

"Pumasok ka na sa loob. Dun ka na matulog", sabi ko.

Tumango siya at walang sabi-sabing tumayo at umalis doon. Hindi ako nalasing dahil dalawang bote lang ang ininom ko. Sila kasi ay parang paramihan sila.

"Pumasok na kayo. Kami na ang magliligpit dito", sabi ni Kit sa dalawa.

"Aye, aye, captain!", sabay na sabi ng dalawa. "Goodnight, Gaea!", bati pa nila sa akin.

"Goodnight, guys."

Magka-akbay silang naglakad na susuray-suray pa kaya natawa na lang ako.

"Pumasok ka na rin, G. Ako nang bahala dito."

Umiling ako. "Tutulungan na kita. Hindi naman ako lasing."

Tumango siya. Nagsimula na kaming i-ligpit ang mga kalat namin. Nang maligpit ay dinala ko ang picnic blanket, gitara at supot ng kalat. Si Kit naman ang nagdala ng cooler na may lamang mga basyo ng bote ng beer.

"Do you.. still love him?", tanong ni Kit habang naglalakad na kami patungong rest house.

Hindi ko na kailangang tanungin kung sino ang tinutukoy niya. Malamang si Hunter iyon.

"Of course. Hindi naman agad-agad mawawala 'yun e", sagot ko.

Kahit naman gaano ka saktan ng taong mahal mo, hindi naman mawawala ng isang iglap lang ang nararamdaman mo para sa taong iyon lalo na't sobra mo siyang minahal. Iyong iba nga umaabot pa ng ilang taon bago nila masabing naka-move on na talaga sila. May iba naman na hindi pa talaga nakaka-move on kaya patuloy na umaasa at naghihintay kahit ilang taon na ang nakalipas.

"I want you to know that I will always be here for you, Gaea."

Sabay kaming huminto sa harap ng pintuan. Binaba niya ang cooler bago humarap sa akin.

"Kit..", I trailed off.

"I tried to suppress my feelings, Gaea, dahil alam kong we don't have a mutual feelings. I'm just a friend for you. Lalo na nung dumating si Hunter. I saw how happy you are whenever you're with him. I envy him, you know? Madalas kong maisip kapag nakikita ko kayong magkasama na, that should be me.. kung hindi lang ako naging duwag. Kung sana sinubukan ko. Kish was right. I should've had the courage to court you. Kapag siguro niligawan kita noon ay baka walang Hunter sa buhay mo. Hindi ka sana nasasaktan ng ganito ngayon."

Pinahid ko ang luhang umalpas sa aking mga mata. This is the first time na naging vocal sa akin si Kit sa nararamdaman niya and damn! Kinukurot ang puso ko.

"Nagkakamali ka. Natutunan din kitang mahalin noon bago pa man dumating si Hunter. Hindi ko iyon sinabi sa kahit na sino.. kahit kay Kish. Akala ko kasi ay si Kish ang gusto mo at akala ko gusto ka din ni Kish", mahina kong sabi.

Mga bata pa kami noon pero alam kong may gusto na ako kay Kit pero mas close sila ni Kish kaya akala ko ay gusto nila ang isa't isa. Pinilit kong iwasan ang nararamdaman ko dahil alam kong masasaktan ako kapag pinilit ko ito. Kaibigan ko silang dalawa kaya inisip kong kung gusto nila ang isa't isa ay hindi ako hahadlang. Magiging masaya ako para sa kanila.

Bago dumating si Hunter sa buhay ko ay tinutukso ako ng mga kaibigan ko kay Kit kasama na si Kish. Niloloko pa nga nila noon si Kit na manliligaw na daw siya sa akin kaya umusbong ang pag-asa sa puso ko na baka gusto niya rin ako pero walang panliligaw na naganap. Naisip ko, kung talagang gusto ako ni Kit ay tototohanin niya ang panliligaw na sinasabi ng mga kaibigan namin pero wala. Mas lalo akong nag-hinala na si Kish nga siguro talaga ang gusto niya kaya nang dumating si Hunter ay kinalimutan ko ang nararamdaman ko kay Kit. Pero hindi ko naman inaasahan na magkakagusto ako kay Hunter.

Lumapit siya sa akin at pinahid niya ang mga luha ko gamit ang mga kamay niya.

"I'm sorry, Gaea. I was a coward.. but I'm still here. I still love you and I'm willing to steal you away from Hunter", bulong niya.

"Hindi naman iyon ganun kadali, Kit. Mahal ko si Hunter at alam mong imposible ang sinasabi mo", sabi ko habang umiiling.

"Wala na ba akong pag-asa?", nanghihina niyang tanong saka lumayo ng konti.

"You're too late."



The Unwanted Wife
by rhomexx

The Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon