6

23.7K 402 75
                                    

Chapter Six
Dahil Mahal Kita



ILANG ARAW na akong hindi mapakali dahil sa Almira Alejandro na iyon. Sa tuwing nag-tatanong ako kay Thunder o kuya Gunther ay hindi nila sinasagot ang mga tanong ko. Si Hunter naman ay hindi ko makausap. Nung nag-search naman ako sa social media ay wala akong makitang kasagutan doon.

"Gaea?", nag-tataka akong tinignan ni Jake.

Nandito ako ngayon sa tapat ng unit niya. Nasa ibabang floor lang siya ng unit namin. Nagbakasakali lang akong nandito siya ngayon at hindi naman ako nabigo. Siya na lang kasi ang naiisp kong makakasagot sa mga tanong ko since magkaibigan sila ni Hunter at pati na din ni Mira. Sigurado akong kahit papano ay may alam siya kung ano ang kinalaman ni Mira sa mga paratang ni tita at kung bakit ganun na lang ang pag-ayaw ni kuya Gunther na malaman ko kung sino ba talaga siya.

"Jake, pwede bang mag-usap tayo?", tanong ko.

"Tungkol saan?", tanong niya.

"Hindi mo man lang ba ako papapasukin?"

Nagulat siya sa sinabi ko. Hindi ko alam kung bakit. Nakita ko din ang bigla niyang pagpapanic.

"I-I'm sorry, Gaea. Nandito kasi ang — "

Naputol ang sinasabi ni Jake nang marinig ko ang boses ni Hunter mula sa loob.

"Baby, let's eat! Jake, halika na rin!", sigaw ni Hunter.

"Baby? Si Hunter ba iyon, Jake?", tanong ko kahit sigurado akong si Hunter iyon.

Mabilis na umiling si Jake. "Hindi, Gaea. S-Si Caelan iyon. Naki-sleepover lang sila."

Umiling ako. "Wag kang mag-sinungaling sa akin, Jake."

"Ah.. sige, Gaea. K-Kakain na kasi kami. Pasensya ka na ha? Usap na lang tayo next — "

Bago pa man matapos ni Jake ang sinasabi at bago pa man niya maisara ang pinto ay mabilis ko na siyang tinulak at sapilitan akong pumasok sa loob.

"Gaea! Gaea! Hindi ka pwede dito, Gaea!", malakas na sabi ni Jake habang pinipigilan ako.

"Umalis ka diyan!", sigaw ko habang tinutulak siya ng buong pwersa.

"Jake, what's going on?", tanong ng isang babae.

Napatingin kami pareho ni Jake sa babae. Natigilan kami pareho ni Jake. Naka-cotton shorts ang babae na sobrang ikli at naka-sando. Mabilis akong lumayo kay Jake at nakita ko si Hunter na naka-boxer shorts lang na nakatayo din sa di-kalayuan. Naka-kunot ang noo niyang nakatingin sa akin.

Namuo ang mga luha sa mga mata ko. Kaya pala maaga siyang wala sa unit ay dahil nandito siya. Ah, hindi pala siya umuwi sa unit dahil dito siya umuwi kasama si Mira.

"G-Gaea..", tawag ni Jake sa pangalan ko.

Bumagsak ang mga luha ko. Masakit. Sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin, kung paano ako dapat mag-react.

"Why are you here, Gaea?", tanong ni Hunter.

"S-Sorry..", iyon lang ang namutawi sa bibig ko bago mabilis na tumalikod at umalis doon.

Wala akong lakas ng loob na komprontahin siya — sila. Kung mas matapang lang ako ay malamang nasabunutan ko na si Mira. Malamang sinugod ko na siya at pinagsalitaan ng mga masasama maging si Hunter. Pero duwag ako, mahina ang loob. Hindi ko kayang marinig ang mga posibleng sasabihin nila sa akin.

The Unwanted WifeWhere stories live. Discover now