10

26.3K 383 10
                                    

Chapter Ten
Shut Up

SINCE WALA akong ginagawa ay naisipan kong yayain ang mga kaibigan kong mag-mall. Sa susunod na araw pa kasi ang napag-usapang outing kasama ng mga Monteverde. Sasakyan ni Owen ang gamit namin since wala si Kit. May lakad kasi sila ni tita kaya hindi siya makakasama sa amin. Si Kish naman ay hahabol na lang daw dahil kinailangan nilang sunduin ng mommy niya ang daddy niya sa airport. Umuwi kasi ito.

Pagkapark ni Owen ng sasakyan ay bumaba na kami nina Rey, Faith at Page. Naglalakad na kami patungong entrance nang mahagip ng mga mata ko si Mira sa gilid ng isang pulang Ford na sasakyan. Hindi siya mag-isa, may kasama siyang lalaki na nakatalikod sa gawi ko pero sigurado akong hindi si Hunter iyon.

Huminto ako sa paglalakad dahil kitang-kita ko kung paano siya hinalikan ng lalaki. Ito ba ang sinasabi ni Hunter na mahal siya ni Mira? Napailing ako.

"Gaea! Anong ginagawa mo? Tara na!", tawag sa akin ni Page kaya napatingin bigla si Mira.

Mabilis akong umiwas ng tingin at mabilis na naglakad patungo sa mga kaibigan ko. Siguro naman ay hindi ako namukhaan ni Mira.

"Okay ka lang, Gaea? Namumutla ka yata", pansin ni Faith.

"Hala, oo nga, Gaea! May nararamdaman ka bang hindi maganda?", nag-aalalang sabi naman ni Page.

Umiling ako. "H-Hindi. Ayos lang ako. Tara na! Bilisan natin", sagot ko.

Ang una naming pinasukan ay ang department store ng mall. Humiwalay sina Owen at Rey dahil sa mga gamit panlalaki sila pumunta. Kami naman ay sa mga damit. Nang makakita si Faith ng mga damit pangbuntis ay hinila niya kami doon.

"Ang ganda nito, Gaea, oh. Sa tingin ko bagay sa 'yo", sabi ni Faith.

"Try mo kaya", suhestiyon ni Page.

"Hindi na. Hindi ko naman bibilhin e. Kayo talaga", sabi ko.

Niyaya ko na lang sila sa mga accessories dahil doon mahilig si Page. Wala naman akong balak bilhin. Gusto ko lang talagang mag-libang at magpalipas ng oras. Masyado kasing mabagal ang oras sa akin kapag nasa mansion ako at wala namang ginagawa.

Kalahating oras na kaming nag-lilibot nang biglang tumunog ang cellphone ko. Nilabas ko iyon mula sa sling bag ko at sinagot nang makitang si Kish iyon.

"Hello?", bati ko.

"Nasan kayo? Nandito na ako. Naglalakad na ako papuntang entrance", bungad niya.

"Nandito sa dep't. store. Sa mga bag section. Dito ka na lang namin hintayin", sagot ko.

"Sige. Bye."

Matapos ibaba ang phone ay pinakita ni Faith sa akin ang isang handbag na kulay beige.

"Maganda ba, G? Sabi ni Page hindi daw e."

Tumingin ako sa bag saka kay Page. "Ang simple masyado e. Ayoko", sabi niya.

Lumabi ako. "Maganda naman kahit simple e."

The Unwanted WifeWhere stories live. Discover now