21

25.3K 362 20
                                    

Hello po! Sorry po. Super busy lang kaya di maka-update agad. At sabi ko nga po, tinatapos ko na po siya para pag natapos na minsanan ko siya i-update 🙂 Sana po maintindihan niyo hehe. Thank you po! Godbless!

__________________________

Chapter Twenty-one
Tattoo

MATAPOS KONG mag-bihis at mag-ayos ng sarili ko ay kinuha ko na ang mga kailangan ko bago umalis para pumunta sa condo ni Kish. Malapit lang iyon mula sa apartment kaya nilakad ko lang ang distansiya.

Pare-pareho ang day-off namin at ngayong araw iyon kaya malakas ang loob nilang pumarty kagabi dahil wala kaming trabaho ngayon.

Pagdating ko sa unit ni Kish ay nadatnan kong nakahilata si Faith sa mahabang couch habang nanonood ng kdrama series sa malaking flatscreen TV sa sala. Si Page naman ay nakaupo sa single couch at abala sa laptop niya at si Kish ay kumakain ng cereals na lumabas ng kitchen. Masama ang tingin sa akin.

Binalewala ko ang tingin niya at dumiretso sa isang single couch. Hindi nag-abalang tumingin ang dalawa. Si Kish ay naupo sa katabing couch ni Page na nakaharap sa akin.

"What happened to you?", tanong niya.

Inirapan ko siya. Daig pa ng babaeng 'to si mama e. Si mama nga hindi ganyan. Ewan ko ba sa babaeng 'to.

"Sorry, okay? I was so drunk", sabi ko. Hindi ko talaga alam kung paano sasabihin ang nangyari sa akin.

Hininaan ng volume ni Faith ang TV. Si Page naman ay inangat ang tingin sa akin. Ano 'to? Hot seat?

"And?", nakataas ang kilay na tanong ni Page.

"I.." Kinagat ko ang ibabang labi ko tapos napamura ako. Nakatingin lang sila sa akin at nag-aabang ng i-dudugtong ko. "Ihadaonenightstand!", mabilis kong sabi na halos pasigaw.

Napasinghap silang tatlo. Napabangon pa si Faith mula sa pagkakahiga niya. Nanlalaki din ang mga mata nila at pagkatapos ay sabay-sabay silang naghiyawan at nagtawanan. Ngumiwi ako. Natuwa pa sila doon.

"Oh my G! You're making progress na talaga", tuwang-tuwang sabi ni Kish.

Making progress? Paano naging progress ang pakikipag-one night stand?

"Anong nangyari? Saan ka niya dinala?", tanong ni Faith.

"Is he hot? Is he good? Did you enjoyed it?", si Page.

"Did you get his name? Or his number? Address? Any information?", si Kish.

"C'mon, Gaea! Say something!", eager na sabi ni Faith nang 'di ako sumasagot sa mga paulan nilang tanong.

Napakamot ako sa ulo ko. "I don't remember anything", pag-sisinungaling ko. Ayoko namang mag-kwento. Nakakahiya 'yun at isa pa, hindi dapat sinisiwalat ang mga ganung pangyayari. I mean, I can't tell them all the details. "Lasing na lasing ako kaya wala akong maalala. I don't even know who he is. Basta nagising na lang ako sa tawag at nasa isang hotel room na ako with the stranger beside me."

"Hindi mo man lang tinanong ang pangalan niya bago ka umalis?", hindi makapaniwalang tanong ni Faith.

"He's still asleep when I left. Nakakahiya iyong nangyari. Hindi ko alam kung paano siya haharapin kaya mabilis akong umalis dun", sagot ko. 'Without wearing my panty', dugtong ko sa utak ko lang.

The Unwanted WifeTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang