9

23.5K 357 24
                                    

Chapter Nine
Flashbacks



PAGKAUPO NI HUNTER sa driver's side ay hinampas niya ang manibela. Galit na galit siya habang sumisigaw at humahampas. Nagulat ako dahil doon at nag-aalala akong napatingin sa kaniya.

"H-Hunter..?"

Tumingin siya sa akin ng masama. "Isa ka pa! Kung bakit kasi dumating ka pa sa buhay ko?! Bakit bumalik ka pa?! Lalo mo lang akong nililito!"

Napahawak ako sa dibdib ko nang i-turo niya ako. Natakot ako para sa sarili ko dahil feeling ko kaya niya akong saktan. Ngayon ko lang nakitang ganito si Hunter.

"A-Ano..?", natatakot kong sabi pero hindi ko matapos.

Naramdaman ko ang pagtulo ng mga luha ko kaya yumuko ako. Nang mag-angat ako ng mukha ay nakita ko ang pagkakataranta niya.

"Gaea.. Damn. Sorry. I was mad. So damn mad dahil kay Gunther", sabi niya ng mahinahon.

Tumingin ako sa kaniya. Lumambot ang ekspresyon niya sa mukha at nakita ko ang pag-aalala.

"Pero bakit pati sa akin galit ka? Wala naman akong ginagawa ah. Gusto ko lang namang magka-ayos tayo.. kayo ni kuya Gunther dahil mag-kapatid kayo", umiiyak kong sabi.

Umiling siya. "Wag ka ng maki-sawsaw sa problema namin ni Gunther. At kung pwede layuan mo na din siya."

Nagpahid ako ng mga luha ko. "Layuan? Pero bakit? Kapatid mo siya. Pamangkin niya ang dinadala ko. Pamilya na din siya sa akin."

"I don't fucking care, Gaea!", sabi niyang in-start na ang makina.

Hindi na ako umimik at ganun din siya habang nasa daan na kami. Sa mansion nila kami umuwi. Dumiretso agad si Hunter sa kwarto at nakasunod lang ako. Wala pa din kaming imikan kahit na natapos na kaming maglinis ng kaniya-kaniyang katawan. Nakahiga na ako sa kama at pumwesto naman siya sa couch kung saan lagi siyang natutulog tuwing nandito kami.

Bakit ba kami nauwi sa ganito? Masaya naman kami noon. Sobrang saya namin sa isa't isa pero nagising na lang ako isang araw na nanlalamig na siya sa akin.

Nagkakilala kami ni Hunter nung Grade 8 kami. Magka-iba ang school na pinapasukan namin. Kasali ako sa cheerleading squad ng school at varsity player naman siya ng basketball team sa school nila. Naganap ang annual cheerleading competition at basketball game ng lahat ng private schools sa bayan namin sa school nila. Kasama ko noon si Kish sa squad.

Matapos naming mag-perform ay nag-ikot kami ni Kish sa campus nila dahil minsan lang mag-open ang gate nila para sa mga outsiders. May school fair din kasi sila noon kaya nawili kami ni Kish sa pag-lilibot hanggang sa hindi ko namamalayan na mag-isa na lang pala ako at nagkahiwalay kami ni Kish. Nung tinext ko siya kung nasan siya ay sinabi niyang bumalik na siya sa gym dahil hindi daw niya ako mahanap at doon na lang kami mag-kita. Pabalik na ako ng gym nung biglang lapitan ako ng grupo nina Hunter na hindi ko pa kilala noon.

Naka-jersey silang apat kaya alam kong mga varsity player sila. Matangkad ako kumpara sa ibang mga kababaihan pero para akong nanliit nang lumapit sila sa akin.

"Hey", bati ni Hunter. Naka-jersey shorts siya at puting t-shirt nung mga panahong iyon. May bitbit siyang back pack na nakasabit sa isang balikat lang.

Kumunot ang noo ko nung tinignan ko siya. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad. Medyo binilisan ko din pero nakasunod pa rin sila.

The Unwanted Wifeحيث تعيش القصص. اكتشف الآن