3

26.5K 451 10
                                    

Chapter Three
Sa 'yo 'to



"GAEA, may problema ba?", napatingin ako kay tita nang tanungin niya ako. "Ayaw mo ba ng mga pagkain? You're not eating. Pinag-lalaruan mo lang ang pagkain mo. May gusto ka bang kainin? Tell me, i-papaluto ko", nag-aalala niyang sabi.

Mabilis akong umiling. Pinilit ko ring ngumiti. "Ay, hindi po. Hindi po, tita. Ayos lang po ako. Busog lang ako", sagot ko.

"Busog? Wala ka pa namang kinakain ah", komento ni Hunter.

Napatingin ako sa kaniya. Nakatingin na din sina Thunder, Ghet at kuya Gunther sa akin. Sabay-sabay kasi kaming kumakain ng breakfast ngayon.

"Kumain ako kanina", pag-sisinungaling ko. Wala lang talaga akong ganang kumain dahil hanggang ngayon ay iniisip ko pa din ang mga sinabi ni Hunter sa akin kagabi. "Excuse me po. Mauuna na akong gumayak", paalam ko.

Umakyat ako sa kwarto at dumiretso sa banyo. Mabilis lang din akong naligo at nag-bihis. Naka-gawian na kasi ng buong pamilya ang pag-sisimba tuwing Linggo ng sabay-sabay pati na din ng pamilya ko. Iyon na kasi ang nag-sisilbing bonding ng mga pamilya namin.

Namimili ako ng susuotin nang dumating si Hunter. Mabuti na lang at dumiretso siya sa banyo na hindi na ako iniimik. Pinili kong suotin ang isang plain baby pink na dress na one inch above the knee. Mestiza kasi ako kaya bumagay sa kulay ng balat ko ang dress. Nakuha ko ang kulay ko sa ama kong may dugong Kano.

Pagdating sa simbahan ay magkakatabi kaming lahat. Kay mama at ate Genesis ako tumabi. Mas makakabuti sigurong umiwas-iwas ako kay Hunter sa ngayon pero hindi ko siya susukuan kahit anong mangyari. Nasaktan lang kasi talaga ako sa mga sinabi niya at palilipasin ko muna iyon.

Pagkatapos ng mass ay dumiretso kami sa isang restaurant para kumain ng lunch.

"Bakit hindi mo subukang mag-apply sa kumpanya, Gab? Mag-kakaroon kami ng job fair next week. Malay mo, makuha ka doon", sabi ni tita habang kumakain kami.

"Pwede din po ba ako doon?", tanong ni ate Gen.

Ngumiti si tita. "Of course, hija. That is if you want."

"Susubukan ko po", sabi ni ate. "Try natin, kuya?", baling nito kay kuya Gab.

Tumango si kuya Gab. "Sige ba."

Nasa isang call center kasi nag-tatrabaho si kuya Gab at nag-aalala si mama sa kalusugan nito dahil nga graveyard shift siya. Si ate Gen naman ay isang saleslady sa isang mall. Nag-stop sila pareho sa pag-aaral para tulungan noon si mama kaya hindi sila nakapagtapos.

Lima kaming mag-kakapatid. Tig-dalawang taon ang agwat namin. Noong maipanganak ang bunso namin ay iniwan kami ng tatay namin kaya kinailangang mag-abroad ni mama at namasukan doon. Binuhay niya kaming mag-isa. Mabuti na lang at naging scholar pareho sina kuya Gab at ate Gen. Habang nag-aaral ay nag-tatrabaho din sila. Student assistant sila pareho sa school at namasukang crew sa fast food. Nung mag-college si kuya ay saka niya pinasok ang call center dahil na-diagnosed ang bunso naming si Gavin ng bone cancer. Unti-unting napabayaan nila kuya at ate ang mga pag-aaral nila kaya natanggalan sila ng scholarship at napilitang huminto na lang ng pag-aaral para mag-trabaho. Namatay naman si Gavin nung grade 8 na ako at nung bumalik si mama sa abroad ay madalas na siyang magkasakit kaya minabuting pauwiin siya ni kuya at nag-for good na nga. Laking pasasalamat din namin sa pamilya ni Kit dahil tinulungan nila kami sa lahat ng gastos namin. Pinahiraman nila kami ng pera mula pa man noong pinagagamot namin si Gavin.

The Unwanted WifeOnde histórias criam vida. Descubra agora