Chapter 11 Starving

1K 36 7
                                    

Sharey P.O.V

Nagising ako dahil nakaramdam ako nang gutom. Bumangon ako para bumaba kaso naalala kong wala pala ako sa sarili kong bahay.

'Bakit ngayon pa ako nagutom. Im starving on Ice cream and fries 'again'

~KNOCK.. KNOCK...~

Pag katapos kumatok ng taong kumatok ay bumukas na iyon.Pumasok si Kael na maayos na maayos ang suot naka Black plain polo sya tapos bukas ang mga butones at may white shirt sa loob. Sa simpleng style na yun muka talaga syang yayamanin at.... at...ba-basta...

"Gising kana pala." Sabi nya habang naglalakad papalapit sa akin. Iniwan nyang bukas ang pinto.

'Ine-expect ko bang sasaraduhan nya yun.?'

'Ano bang tawag pag gantong buntis at nag eexpect nga ano... Hormones... '

Tsk. Hormones lang 'to. Pakeelam ko naman sa lalakeng iyan. Ngayon pag gusto ko talagang mainis sa kanya iba naman ang lumalabas sa akin. Hindi ako makapag sungit, maybe pinipigilan talaga ako ni baby.

"Kakagising ko lang " paliwanag ko sa kanya. Nakakunot ang noo ko dahil gutom na talaga ako. Hindi ko din alam ang sasabihin ko sa kanya. Hindi naman kami nag kasama ng matagal. Hindi ko siya kilala o ano man.

Tumayo ako at nag lakad palapit sa kanya. Nag babaka sakali na ayain akong lumabas. Gutom ako, Baka sabihin niyang... 'Come on let's eat. I know you hungry.'

"Are you ok.?" Tanong nya. Nilagay niya ang dalawang kamay sa pocket ng suot niyang pants.

'Tss. Lalong gwumapo....'

(๑-﹏-๑)

"Im starving." Daing ko at nahawakan ko na talaga ang tyan ko. Feeling ko ano nang oras ikamamatay ko ang sobrang gutom.

Sabi naman sa akin ng doctor, normal lang daw na palagi akong magutom. Alam ko naman ang mga sintomas ng mga buntis. Syempre nag aaral ako.

Hindi ko lang talaga naisip noon na buntis ako dahil alam kong imposible at ayoko.

"What do you want to eat?" Tanong nya pa at pinaupo ako sa kama.

Nainis ako dahil dun. Imbis na sabihin nyang' Lets go kumain na tayo.' Kaso pinaupo pa ako.

≥﹏≤

"Tak' ewan ko sayo." Sabi ko at nahiga na lang sa kama at nag taklob nang kumot. Napahawak ulit ako sa tyan ko gutom na gutom na din ako. Naiinis ako sa pag mumuka nya. Napaiyak na lang ako dahil sa gutom.

Naiinis din ako dahil parang hindi ako ito. Sobrang babaw ko at arte. Pero hayaan na pinasama talaga ng lalakeng ito ang mood ko.

Naguguluhan naman s'yang umupo sa gilid nang kama. Nakatalikod ako sa kanya kaya hindi nya alam na naiyak ako.

"Hey.. Ano ba? Tinanong na nga kita kung anong gusto mo kainin tapos nagalit kapa." Paliwanang n'ya. Hindi ko sya pinansin at nanakit talaga nang sobra ang t'yan ko sa gutom.

Paano pag mag asawa na kami? Ganito ba niya ako ita-trato? Pag nagugutom ako ang dami pang pasikot sikot. Sana naman maging sweet siya para Mag work ang relasyon namin.

Para kay baby...

"Are you crying.?"

Hindi ko pa rin sya pinansin.

≥﹏≤

"Look. Sharey, hindi ko alam kung bakit ka nagalit bigla. Ok sorry na tara sa baba kumain na tayo nang gusto mong kainin." Napa tingin naman ako sa kanya. Pinunasan nya ang pisngi ko gamit ang thumb nya.

Love LimitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon