Chapter 43- Mom's dish

810 16 2
                                    

Sharey P.O.V

Nakahiga na ako sa kama ko. Bukas na lang daw ulit kami igagala ni Mang Isko dito sa Isla.


Kakatapos lang naming mag shopping at kakapagod. Pumikit na lang ako pero nakalipas na ata ang ilang minuto, pero hindi pa rin ako
makatulog.

v_v

Narinig kong nagbukas ang pinto. Hindi ko alam kung matatakot ako dahil hindi ko alam kung sino ang pumasok sa kwarto ko dahil nakatalikod ako sa pinto.

Hindi rin naman ako nakaramdam ng takot. Hindi ko alam kung bakit. Dahil siguro safe itong isla nina Kael. Nagpanggap pa rin akong tulog.

Naramdaman ko ang pag upo niya sa tabi ng kama ko. Doon pa lang ako kinabahan dahil alam ko na agad ang amoy na iyon.

"Natulog kana agad... Are you tired?.." tanong niya. Pinapakiramdaman ko lang si Kael sa sinasabi niya o gagawin pa niya.

"Secret lang to ha.? " sabi niya at hinawakan ang ulo ko ." Gumawa ako ng special dinner nating dalawa. Ako mismo ang nag ayos lahat nun. Nanghingi ako ng advice kay Khrint pero parang mali ata ang napaghingan ko. Sabi niya kasi doon daw tayo sa seven floor para tahimik. Gago talaga ang isang yun." para akong bata dahil sa ginagawa niyang pag hawak sa buhok ko. Gusto ko ring matawa sa sinasabi niya Pero diko magawa.


."Pero kay Cy na lang ako nanghingi ng tulong. Hindi naman pwede kay Kuya dahil alam kong walang alam yun sa ganitong bagay. Sina Alwen, Zarek at Ilian naman. Kagaya lang din yun ng sasabihin ni Khrint. Si Xeno naman busy yun kay Alyeri. Dahil sa tulong ni Cy nakaisip ako." Nilagay niya sa likod ng teinga ko ang ilang buhok kong nakahara sa muka ko.

"Sleep well. I'll wait for you." sabi niya narinig ko na kang ang pagsara ng pinto.

Saka ako napamulat at napatingin duon. Napahawak ako sa puso ko dahil sa sobrang bilis ng takbo ng mga kabayo.

"Pano pala siya nakapasok sa kwarto ko.?" tanong ko sa sarili ko.

Napaupo ako sa kama at napailing na lang. Hindi na rin ako makakatulog nito.

My godd. Kael why are you doing this to me?.

-

Bumaba ako para pumunta duon sa lobby ng hotel. Sa gitna daw nun kami mag didinner lahat.

Im just wearing miniskirt at off shoulder na long sleeve. Tinernohan ko lang ng dollshoes. Plain white. Syempre isa 'to sa mga binili ko duon sa botique.

Lumabas ako ng kwarto ko at nakita ko si Iva na kakalabas lang din ng kwarto niya.

"Nasaan ang iba.?" tanong ko sa kanya.

"Nasa baba na daw lahat. Tayo na lang dalawa ang inaantay nila." sagot niya sa akin.

Tumango na lang ako at saka kami sabay na pumuntang elevator para bumaba.

"Sya nga pala sinabi sa akin ni Mom na ipagpapatayo na daw niya ako ng coffee shop. "

Napatingin ako kay Iva ng magsalita siya.

"Talaga? Maganda yan. Kelangan mo ba ng tulong namin ni Maven.?" tanong ko.

"Oo eh. Pwede bang ikaw ang mag design ng magiging store ko. Libre naman diba?. "Sabi niya kaya natawa ako. Engineer ang tinapos naming tatlo pero gusto rin ni Iva na nagtayo ng coffee shop. "Ayoko rin kasing gumastos pa si mama para kumuha ng architect maalam ka rin naman nun. Syaka mas magaling ka sa akin." Civil kasi ang natapos namin.


"Sure sige. Gagawin ko na lang pagbalik natin sa Maynila." sagot ko.

Nagsabi pa siya ng tungkol sa coffee shop na gusto niya. Ako na rin daw ang bahala sa lahat ng design.

Love LimitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon