Chapter 30- Hospital Again

940 14 0
                                    

Sharey P.O.V

Naihatid na ako nina Maven at Cyler sa bahay. Kakatext din bigla ni Mama na nakaleave yung isa naming katulong at umalis si Mama kasama si Manang para Mag deliver ng Cake.

Meron naman akong susi ng bahay. Kaya hindi ko kailangang mag stay sa labas para mag antay.

Nang akmang bubuksan ko na ang pinto ng bahay namin ay parang nakarinig naman ako ng kaluskos galing likod.

Tumingin ako sa likod ko. Pero wala namang tao. Wala rin naman kaming inaalagaang hayop, kaya ano ang kaluskos na iyon?

Kinahaban naman ako kaya dali dali ko na lang binuksan ang bahay namin. Agad ko din namang nilock yun pag kasara ko ng pinto. Pag bukas ko ng ilaw. Napatakip ako ng bibig ko ng makitang sobrang kalat ng bahay.


"What the hell happen.?"

Sobrang kalat my salas. Ang mga furniture at basag basag at kalat kalat. Ang ilang frame at may itim na pintura. Agad akong natakot, bawat hakbang ko at tinitingna ko ang paligid. Sa hagdanan dali dali akong umakyat.

Tiningnan ko ang kwarto ni Mama at wala namang nawalang gamit. Sa katunayan hindi gulo ang kwarto niya. Pumunta naman ako sa kwarto ko, gulo gulo ang lahat ng gamit ko. Tiningnan ko kung may nawawala akong gamit pero lahat naandito.


Nanakawan ata kami? Hindi ako sigurado kasi wala namang nawalang gamit sa amin. Magulo lang talaga.


Nakarinig naman ako ng yabag ng paa. Papaakyat ito ngayon. Nagtago ako sa gilid ng kama ko at naupo. Nanginginig ang kamay ko ngayon sa kaba.


Naisipan kong tumawag sa iba pero bigka na lang nag flash ang pangalan ni Kael. Hindi na ako nag dalawang isip at sinagot yun...

"Sharey mag---"

"K-kael t-tulungan m-mo ako please m-may ibang tao d-dito sa bahay namin." Nangilid ang luha ko sa mga mata ko habang nauutal na sinasabi 'yan sa kanya.


"Don't cry nasa tapat na ako ng bahay nyo. Magtago ka lang at wag kang gagawa ng ingay." Sabi niya.

"Natatakot na ako." Sabi ko. Nabigla pa ako nung biglang may nabasag sa kabilang kwarto. Halos mapatili ako sa gulat kaya hinawakan ko Ang bibig ko para mapigilan iyon.


"Maghanap ka ng pwede mong ipanghpas, ok. Stay there ililigtas kita." pinutol na niya ang linya.

Lalo akong natakot dahil pinutol niya ang linya at pakiradam ko at mag isa lang ako at hindi siya dadating.

Pero ginawa ko pa din ang sinabi nya. Wala naman akong makitang pwedeng ipanghampas. Nag panic na ako ng wala talaga akong makita at lalong papalapit Ang yabag ng isang tao.

Wala akong pwedeng gawin ngayon kundi ang magtago at hintayin si Kael.


Lalo naman akong naiyak nung marinig ko ang pagsipa nito sa pinto ng kwarto ko. Lalo kong siniksik Ang sarili ko sa gilid at pilit pahinaan ang hikbi.


"Nasaan na kaya yun.? Kakapasok lang niya dito ah." sabi nung lalake.


"Baka nagtatago lang."

"Kelangan na natin siyang patayin. Sabi kasi ni boss patayin na natin lahat ng malapit sa Randeep."

Randeep? Anong Randeep naman yun. Pangalan ba yun ng hayop? Damn! Anong klaseng mga tao Ang mga ito?




"Bilisan na natin baka nakatawag na yun ng tulong."


Tahimik lang ako dito habang umiiyak. Grabe na ang kabang nararadaman ko ngayon.

Love LimitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon