Chapter 16 - The Wedding

1K 22 0
                                    

Kael P.O.V

Matapos kong matanggap ang text galing sa Petros ay sinabi ko na agad sa iba. Agad kaming nag plano kung sakali mang susugod nga sila.

Hindi nila pwedeng sirain ang kasal ko at hindi rin nila pwedeng saktan si Sharey.

Bihis na ako at naghahanda nang mga baril ko. Baka biglang sumugod ang mga mokong. Nag padala na si Kuya Kailer nang mga dagdag tauhan sa may simbahan at sa reception.

Pinupunasan ko ang baril ko nang biglang may kumatok.

"Kuya."

"Come in." Sabi ko. Pumasok naman na sya at bihis na. Isa sya sa groomsman ko.

"Nagtataka sina Mom at Dad kung bakit ang daming mga bantay sa reception at simbahan." Sabi nya ng papalapit sa akin.

"Gaano ba kadami.?" Tanong ko. Natigil ako sa pagunlad pupunas at sa kanya natuon ang atensyon.

"Sobra pa sa inakala mo." Nag kibit balikat ako at bumalik ulit sa pag pupunas ng baril

"Alam mo namang OA si kuya Kailer pag ganyan. Lalot-nat pamangkin nya yung dala ni Sharey." Sabi ko habang tuloy pa rin sa pag pupunas nang baril ko.

"Ganun ba? Sabi nya gusto daw niya si Sharey kaya ginagawa nya 'to." napatingin naman ako sa kanya. Now that's caught my attention. My brother likes Sharey?

"Nang aasar kaba?." Inis na tanong ko.

"Hehehe Hindi. Kung naasar kaba eh." Sabi nya at di na inantay ang sasabihin ko at umalis na.

Baliw talaga...

'May gusto ba si Kuya Kailer kay Sharey.?'

Magiging asawa ko na si Sharey kakabit pa sya. Kainis...

Nilagay ko ang baril ko sa likod ko. Kinuha ko ang suit ko at sinuot. Tumingin ako sa malaking salamin dito sa kwarto ko.

"Ang pogi ko talaga."

-

Pag baba ko sa salas picture picture na silang lahat. Kulang na lang pala ako.

"Kael, anak, bumaba kana dali pi-picturan ko kayong tatlo." Sabi ni Mom.

"Kael nice suit, you look--".

'"Suit suit-in mo muka mo." sabi ko kay kuya Kailer. Napatingin naman kami kay Keiji na bigla na lang tawa nang tawa napapahawak pa sya sa tiyan nya kakatawa.

"Hahahahahaha.. S-si kuya Kael hahahahahahaha... Talagang nag hahahahahaha."

"Talagang nag seselos hahahahahahaha... Jokie jokie kasi yun hahahahahaha." Halos mamatay na sya kakatawa. Kami nakatingin lang sa kanya.

Tawa pa rin sya nang tawa. Tiningnan ako ni Kuya Kailer na nagtataka. Binatukan ko si Keiji para matigil na s'ya. Tumigil naman sya at tumingin pa sa akin nang masama tapos tumawa ulit.

"Ano bang nangyayari dyan?. He's Crazy." Sabi ni Kuya Kailer.

"Omy... Anak ano bang nakakatawa?." Tanong ni Mom kay Keiji.

"Si Kuya Kael kasi---"

"Baliw na yan, Mom. Tara na ayokong ma-late sa kasal ko." Sabi ko at nagpa-una nang umalis.

"Wait, Kael. Let's just go together." Sabi ni Kuya Kailer.

"For what?" Makiki-plastic? Nakakainis ang gurang na iyan ah.!

Hindi sya umimik at sumakay nang kotse ko.

Wala akong nagawa at sumunod na. Pag ito talaga, nakihati pa. Kakalimutan kong kapatid ko siya.

Love LimitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon