Chapter 53- RGP

823 14 0
                                    

Sharey P.O.V

Nang nakarating kami sa likod ng isla ay nakakita na agad kami ng helicopter.

Tinulungan kami nina Alwen at Mang Isko na makababa sa yate.


"Teka si Mang Isko paano.? Sasama ba siya papunta sa manila.!?" tanong ko kay Alwen..

"Merong malaking hide out sa baba baka pwede na doon si Mang Isko hanggang matapos ang laban!." sigaw ni Alwen pabalik. Malakas ang tunog ng helicopter kaya hindi kami magkakarinigan kung hindi kami sisigaw.


"Hide out?!." tanong ko naman.


"Teka... Bakbakan? Ano ba meron. Pano yung iba!.? Nakikipag laban sila! .?" tanong ni Maven.



"Sa maynila na ako mag eexplain antayan na lang natin sila doon.!" sabi niya.

Lumapit siya sa may puno'ng malaki at saka may pinindot na bilog na parang kahoy din. Hindi yun gaanong halata kaya nagulat pa ako.

Umipod ang puno paantras tapos ay may mahabang hagdan sa baba ang lumitaw.

"N-nyeta... m-meron talaga kayong ganyan.?" tanong ni Iva na mangha din.



"Yeah pagawa yan ng Scott." sagot niya.


"Bumaba na kayo Mang Isko. Meron ng mag aasikaso sa inyo sa baba." sabi ni Alwen kay Mang Isko na mangha din...



"Bakit ngayon ko lang nalaman na meron palang ganyan dito sa ilalim ng isla nang Scott?" tanong din ni Mang Isko..



"Secret lang kasi Mang Isko. Kayo lang ang may alam nito, sige na ho pumasok na kayo. Kelangan na naming umuwi. " sabi ni Alwen.




Bumaba na nga si Mang Isko at kami na lang ang naiwan.

"Kelangan na po nating umalis ." sabi nung piloto sa amin.


Ibang iba din itong helicopter nila dahil kahit Anim kami hindi pa kasama ang ang pilot ay kasya kami. Hindi rin ito ordinaryong helicopter lang.

Sumakay na kami at agad din namang pinaandar ng piloto itong helicopter.

"Makababalik ba agad sila.?" taning ni Serem dahil sila ang magkatabe.


"Sa tingin ko naman. Nagpadala na si Kael ng nga ilang tauhan. Sa tingin ko naanduon na din naman sila."


Nakarinig kami ng biglang sumabog. Kinabahan ako bigla kaya napatingin ako sa baba. Napadaan ang sinasakyan namin sa gilid ng isla.



Kitang kita ko sina Kael kung gano makipag laban at makipag putukan sa mga armadong lalake.

Pati na rin sina Ate Alyeri.


"Alwen.? Kinakabahan ako sa kanila. Baka mapahamak sila niyan." sabi ko..


"Kaya nila yan. Alam kong hindi naman sila mag papatalo." sabi ni Alwen. Hindi ko ma take na ganyan lang siya kaseryoso.



"Hindi kaba natatakot para sa mga kaibigan mo. Pano na sina Cy at Ate bakit parang kampante kapa.!?" inis na tanong ni Maven habang umiiyak.



"Hindi ako kampante, Maven. Wala na akong pwedeng magawa kundi ang sundin ang sinabi ni Kael na bantayan kayo." sabi niya pabalik dito.


Wala ng makaimik sa amin pero bigla nalang may parang bumabaril sa sinasakyan namin. Kami lang sina Maven at Iva ang napasigaw dahil doon.



Love LimitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon