Chapter 39- Necklace

855 14 0
                                    

Breilla P.O.V

Nang makarating na kami sa hotel na pag tutuluyan namin ay hinatid na rin naman kami sa kanya kanya naming kwarto. Dalawahan kada isang room.

Ganto ang set up namin.

^o^

Ako at si Nayana
Sharey at si Alva
Maven at si Keilla
Maiu at si Serem
Kael at si Cyler
Khrint at si Ilian
Zarek at si Kailer

Si Alwen solo. Sina Alyeri at Xeno ang mag kasama hindi naman mapag hihiwalay ang dalawang yun. Wala naman daw silang gagawing milagro.


Nung una ay ayaw pumayag ni mang Isko pero may tiwala naman daw siya kay Xeno. Kaya um-oo na din.


Pagkalapag namin ni Nayana ng gamit namin at naupo agad ako sa kama ko. Siya naman nahiga agad. Masama ata Ang mood dahil mukang malalim Ang iniisip.


"Grabe kapagod naman." sabi niya, tapos pumikit at hinilot ang sentido bago nag mulat ulit.


"Gutom na ako tara sa baba." sabi ko sa kanya.

"Getchigo."

Pag kabukas namin ng pinto lumabas na din pala ang iba. Siguro gutom na din.




"Igagala tayo ni Mang Isko duon sa kabilang Isla." sabi ni Kael sa amin.


Sila pala ang may ari nito. Iba talaga pag mayaman eh. Sa pag kakaalam ko kasi sa Bulacan kami madaming hotel. Next time siguro duon naman kami mag vacation.


"Baka lumubog yung yate dahil sayo." nagulat ako sa pag bulong ni Zarek sa akin. Kinilabutan pa ako nung maramdaman ko ang init ng hininga niya.



"H-hoy.. loko ka talaga." sabi ko at akmang hahampasin siya pero tumakbo naman siya kaya hinabol ko.


He'making me crazy talaga. Papansin din 'to, lagi na lang akong iniinis eh.



"Baliw kang ugok ka!" sabi ko at hinabol pa rin siya. Mabilis siyang tumakbo, nakakainis!


Nasa baba na pala kami. Hindi ko naman namalayam. Duon pa pala kami tumakbo sa hagdan. Yung ugok na yun kasi. Pinahirapan pa akong humabol.


Naka elevator siguro sina Kael kaya nauna na sa baba.


Nakita ko din si Zarek naanduon na din pala. Dinilaan pa niya ako. Sa inis ko nilabas ko din ang dila ko.

"Hayy... nako ate kumain na lang tayo." sabi sa akin ni Keilla.

Nag siupo na naman kami at sobrang sama ng tingin ko kay Zarek. Siya naman parang ng aasar pa.


"So bakit nga pala naisipan niyong mag out of town parang vacation na rin.?" tanong ni Maven.


"Oo nga kaka'vacation lang natin nung nakaraang buwan diba.?" tanong naman ni Alva.


Wala namang makaimik sa amin. Bawal kaming mabuking nito eh.



"Wala lang. Para naman makita niyo tong lugar ng mga Scott." palusot ni Khrint. Buti naman at nakaisip siya ng palusot.


Habang nakain ay nag kwentuhan pa kami. Pati si Mang Isko ay nag kwento din tungkol dito at sa pamilya na din niya.


Kinapa ko ang may leeg ko. Wala akong makapang kwintas kaya hindi ko alam ang gagawin ko.


Agad kong tiningnan ang ilalim ng lamesa baka nag patak. Pero wala akong makita.

Agad namuo ang kaba sa aking pakiramdam. Para akong tinatambol dahil sa lakas ng takbo ng dibdib ko.

Love LimitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon