Chapter 14-Kael Kalamansi

1K 25 7
                                    

Sharey P.O.V

Nasa bahay ako nina Kael. Gusto akong makita ni tita Karen. Tita likes me. Ramdam kong gustong gusto niya talaga ako. She's always kind to me.

"Nako.. Ang apo ko, sana magandang bata yan. Magmana sayo." tita said. Nakaupo lang kami dito sa sofa sa salas. Si Mama nasa bahay namin nag be-bake dahil may bago daw siyang order ngayon.

"Sana nga po wag mag mana kay Kael, ang bilis magalit." sabi ko nagtawanan naman kami. Sinisiraan ko lang naman ang lalakeng iyan. Ang tinutukoy ko ay iyong mga panahon na hindi pa namin alam na buntis.

Si Kael, ayun parang walang pakeelam, naka Headphone at naka pikit. Nakapan-dekwatro pa itong pang-lalake.

"Nako pinaglihi ko yan sa Kalamnsi eh. Kahit na asim na asim dun si Kaoro eh parang natatamisan pa ako." tumatawang sabi ni Tita.

"Talaga po?" natawa ako dahil ang asim nga naman niyon. "Kaya pala ganyan yan kasungit." Sabi ko. Nakakatawa lang talaga kung saan pinaglihi si Kael. Akalain mong sa Kalaminsi. Ibang klase talaga si Tita Karen.

"Lahat ng kinakain ko noon meron laging kalamansi eh." natatawa pa rin si tita habang sinasabi yun.

"Si Kailer naman ay sa pipino at toyo. Meron pang sili kasama ang asukal. Pero Hindi mawawala ang healthy foods."

"Sili at asukal ho? " hindi makapaniwalang tanong ko. Maanghang at matamis?

"Miski si Kaoro ay hindi nga rin makapaniwala. Pero iyon ang gusto kong tikman. Kaya pansin mo ba? Ang hot naman talaga Ni Kailer, hindi ba?" tumaas-baba ang kilay ni tita habang nakangiti sa akin.

Si Kailer... Hindi naman kami gaanong ka close pa. Nakikita kids siya sa bahay at nag babatian. Pero when I say close kasi, iyong pwede ko siyang kaasaran at sabihan ng sikreto.

So, I can say that we're not that close.

"Sa tingin ko naman po." nahihiyang sagot ko. Buti nga lang at kaming tatlo lang ni Tita at Kael ang naandito.

"Hay nako, si Kailer at Kael ang palaging sakit ng ulo ng daddy nila. Kung hindi sila nag sisiraan sa daddy nila ay nag bubogbugan naman sila. But I find it cute. Hindi ko naman sila sinasaway. Alam ko naman kasi na hindi sasaktan ni Kailer si Kael. They like best friends. Gusto lang Ni Kailer na inaasar si Kael. That time din pinag bubuntis ko si Keiji. Four si Kailer at two naman si Kael. Kaya ang mga kinalabasan wala akong kamuka."

Nakakatuwang makipag kwentuhan kay tita. Ang dami palang nakakainteres sa buhay nila. I wish I have siblings.

"Si Kailer at Kael kasi ang kamuka si Kaoro. Tapos si Keiji ang kamuka ang mga kuya niya. Ang unfair..." ngumuso si tita at tumingin kay Kael. Nang binalik ni tita ang tingin sa akin ay sumulyap ako kay Kael na nakangisi ngayon. "...ako iyong nag dala sa mga iyan."

Binalik ko kay tita ang tingin ng hawakan niya ang braso ko. "Ay nako baka pag lalake iyang anak ko sigurado akong kamukang kamuka din iyan ni Kael. Malakas ang genes ng mga anak ko. Mana sa dad nila. Pag uwi nga ni Kaoro mang hihingi ako ng kasunod. " tumawa si tita nang pag kalakas lakas.

≧∇≦

"Hehehe good luck ho. " pinilit kong natawa kahit pilit dahil nahihiya at namumula ako.

Iba rin pala talaga siya Tita. So Kailer at Tito Kaoro lang ata ang nakakatakot sa kanila. Si Kael hindi na ako matatakot diyan. Magiging under na sa akin iyan e.

"Ate Sharey! Samahan mo ko sa kwato ko maglaro tayo nang game.!" Biglang sulpot ni Keiji. Grey shirt with print ang suot niya pang itaas at jersey short naman pangbaba.

Love LimitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon