Chapter 49 - Girls like you

793 13 0
                                    

Sharey P.O.V

Nasa yate na kami at paalis na. Nakatigil kaming lahat dito sa unahan. Ewan ko ba, bakit kami nakatigil hehe...

"Nako saglit laang. May sakit daw ayong mag papaanadar naring yate eh." sabi ni Mang Isko.

"Ako... Ako mang Isko ako na lang po mag papaandar." sabi ni Alwen na akala mo ay tinanong ng teacher dahil sa pag taas nito ng kamay.

"Maalam kaba.?" tanong ni Serem sa kanya.

"Of course... Para saan pa ang pagiging Marcos ko kung hindi ako maalam mag paandar ng yate." sabi niya. Nagmalaki pa ang kumag.

"Baka tumaaob pa tayo pag ikaw nag paandar eh." sagot ni Maven.

"Don't worry maalam sadya yan. Isa ang pamilya nila sa pinaka malaking pagawaan at may ari ng yate sa buong mundo." pag sasabi ni Cyler.

"May pakinabang ka pala." sagot ni Breilla..

"Wag mo kasing itulad kami sa iba." sagot naman ni Zarek na nag painit ng ulo ni Breilla.

"Kausap ka.? Tatamaan ka na sa aking ulol ka." sagot niya dito pero binilatan lang siya ni Zarek at saka nag tago sa likod ni Ilian.

"Sige na. Para na rin makapag pahinga na kayo pag dating niyo." sabi ni Mang Isko. Kasama na niya si Alwen papasok sa loob.


"Kami na mag dadala ng bag niyo sa loob. Mag antay na lang kayo dito." sabi ni Kael sa amin. Bago tumingin sa akin.


"Dito ka muna. Babalik din ako agad." sabi niya sa akin.


"Sige e-enjoy na lang muna namin ang view.." sabi ni Keilla.


"Sige ." sagot ko.


"Teka bakit naman tayo mag dadala ng gamit nila.?" reklamo ni Ilian. Pinanlakihan siya ng mata ni Kael.


"Kaya naman na nila ka--- Oo na... Oo na... Kung di lang kita kaibigan eh." parang napilitan pa si Zarek nung pinanlakihan din siya ng mata ni Kael.

Ano naman kayang gagawin nila Kael.?


Gaya nang sinabi niya naiwan kami ditong girls sa labas. Hindi gaanong masakit sa balat ang araw. Kaya kahit mainit ok lang.


"Maganda ang panahon ngayon ah." Sabi ni Maven na nasa tabi ko.

"Miss kona sina Mom.". sabi rin ni Iva na nasa kabilang side ko naman..

"Ako nga rin eh." sagot ko. Pinakiramdaman na lang namin ang hangin na nadapo sa balat namin.

Napatingin ako sa dalawa, si Iva seryosong nakatingin sa dagat. Si Maven naman nakatingin sa....... Ate niya.

Napatingin din ako doon. Nakaupo si Ate Maiu sa gilid habang hawak ang labi niya. Tapos parang nag iisip pa siya ng malalim.


"Tsk. Ano kayang meron kay Ate.?." mukang nag aalala din siya sa ate niya. Bukod sa May benda ang braso niya eh parang kanina pa ito tahimik.


"Kausapin mo. " suhestiyon ko sa kanya.

"Ewan ko ba... Kausapin ko na lang siya mamaya. Tapos yung sa may braso niya hindi ako naniniwala sa dahilan niya eh. Tapos ganyan pa siya kung umasta." sabi niya habang nakatingin pa rin sa ate niya..

"Mag sasabi rin yang ate mo sayo. ". Sabi ni Ate Alyeri na kakalapit lang sa amin. Napatingin sa kanya ang kapatid niya na si Iva.

"Ate?."

Love LimitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon