Chapter 51 - Suspicious

769 13 0
                                    

Sharey P.O.V

Nang mag walkout si  Ate Maiu ay sinundan naman siya ni Kailer. Ewan ko sa dalawang yun parang mag jowa lang.


"Susundan na ba natin yung dalawa.? " -Zarek.

"Baka mag away na naman yung mga yun.." - Alyeri.

"Ano kayang ginagawa nila.?" -Ilian.

"Mag antay lang tayo saglit baka naman bumalik na sila ng mag kabati." suhistyon ko sa kanila.

"She's right. Hayaan niyo si Kuya doon. Kaya niya sarili niya." pag sang ayong sabi ni Kael.

Tumingin ako sa kanya at ngumit lang naman siya sa akin.

"May something na talaga sa inyong dalawa." dinuro duro pa kami ni Maven habang sinasabi yun.

"Liniligawan ko siya you know?" natawa na lang ako sa pag kakasabi ni Kael nun kay Maven.

Para siyang babae. Hahaha

Nag asaran pa sila tungkol sa aming dalawa ni Kael. Lalo na sina Ilian at Zarek. Hinabol na lang sila ni Kael kaya naiwan kaming girls.

"Sundan na lang natin." sabi ko naman sa kanila.

"Para talagang mga bata ang mga yun." sabi naman ni Breilla.

Naglakad na kaming lahat para sundan yung tatlong nag hahabulan. Tumabi sa akin si Iva at saka kumapit sa braso ko.

"Gandahan mo yung pinapagawa ko sayo ha." malambing na sabi niya sa akin.

"Off course... Pero hindi pa nga pala tayo license engineer kaya ipapagawa mo pa rin yun sa iba.. To make sure." ngayon ko nga lang pala naalala na kahit gumawa ako ng plan ng coffee shop ni Iva ay kelangan pa rin ng license.

"Ay oo nga pala. Pero sige basta gumawa ka pa din sasabihin ko na lang kina mom." sabi niya. Ngumiti na lang ako sa kanya.

-

Masundan na namin yung tatlo at pinatigil na namin sa pakikipag harutan.

"Tumigil na kayo hanapin na natin sina Kailer at Maiu." sabi ni Ate Alyeri habang naka holding hands kay Xeno.

Grabe talaga itong dalawang to. Buti hindi sila pantal pantal dahil sa sobrang sweet nila.

"Oyyyy!!! nag laplapan na agad kayo.???" napatingin kami kay Zarek ng bigla itong sumigaw.


Napatingin kami kung saan siya nakatingin kina Kailer at ate Maiu pala.

Anong laplapan daw? Nag kiss sila.? Bakit hindi ko nakita.?



"Ano bang pinag sasabi mo Zarek.?" tanong ni Maven. Siguro dahil hindi rin nila nakita yung sinasabi ni Zarek.

"W-wala h-hayaan--." hindi na natuloy ni ate Maiu ang sasabihin niya dahil umimik na ulit si Zarek.

"I saw them kissing..." may panunuksong sabi ni Zarek kay Kailer. Sinamaan lang siya nito ng tingin.

"Ate totoo ba yun.?" tanong ni Maven wala siyang expression blangko lang. What happen.? Akala ko gusto niya si Kailer para sa ate niya.

"Mav... Chill mabait naman si Kailer." sabi ni Cyler sa kanya.


"A-ano k-kasi h-hindi.." hindi nakapag explain si ate Maiu kaya pasimple niyang sinisiko si Kailer.

"I kiss her.." sa halip na tumanggi si Kailer ay oo pa ang sinabi. Nagulat kaming lahat doon sa sinabi niya. Syempre maliban sa boys. Si Kael naman tatawa tawa pa.


Love LimitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon