Chapter 63 - Pilyo

823 15 0
                                    


WARNING ⚠ : Rated S P G

Alva P.O.V

"Let's talk."


Agad akong nag iwas ng tingin kay Khrint. Sa kadaldalan ni Maven nasabi niya tuloy kay Khrint.



Totoong crush ko si Khrint. Crush lang naman. Kahit naman lagi niya akong iniinis ay alam ko pa ding mabait siya at maalaga.



Sinabi ko kay Maven yun kanina. Hindi ko naman alam na sasabihin niya agad.



Tapos malalaman ko na gusto ako ni Khrint. Wow lang ha. Kinilig ako oo pero hindi ko alam ang tamang sasabihin kaya nag walk out na lang ako.


Pero malay ko ba na nanti-trip na naman itong si Khrint.

"Huy... Hindi kaba iimik.?" tanong niya sa akin. Hindi pa din niya binibitawan ang braso ko.

"Huh.?" tanong ko.

Bumuntong hininga siya at binitiwan ang braso ko. Hinawakan niya ang magkabilang braso ko at hinarap sa kanya.


"Ayoko kasing mareject. Akala ko din kasi hindi mo ako gusto. Naguhuluhan din kasi ako dati pero malinaw na ngayon." pumukit siya at parang hindi alam ang sasabihin. Nag mulat ulit siya.

"Gusto kita Alva."

Bumilis ang tibok ng puso ko ng sabihin niya yun. Nakatingin lang ako sa kanya. Grabe!

"W-wala ka bang sasabihin.? Hindi mo rin ba ako gusto.?" tanong niya.


"K-kasi..."

"Alam ko na...Sige salamat na lang". Malungkot ang mga mata niya, tumalikod na lang siya sa akin.

Teka wala pa naman akong sinasabi ah. Ano bang sasabihon ko. Tsk bahala na nga.

"Khrint.." tawag ko pero hindi siya lumingon. "Crush kita you know.? Ang daming arte eh!" sigaw ko sa kanya.

Nakangiti na siya ng lumingon sa akin. Pati ako napangiti na din.

-

Sharey P.O.V

Nagkakamabutihan na kaming lahat na mag kakaibigan. Maliban na lang siguro kay Nayana na walang kapartner.

"Isayaw mo muna si Nayana." bulong ko kay Kael.

Tumingin siya kay Nayana na busy sa cellphone niya.

"Ok as you wish." sabi niya at nilapitan si Nayana. Nakita kong inaya niya ito. Tumingin pa sa akin ai Nayana kaya tumango ako.

Nagpunta ako sa isang gilid. Napatingin ako kina Cyler ay Maven. Nakita ko kung pano mag explain ai Cyler. Ewan ko kung anong pinag uusapan nila pero umiiling lang si Maven.

Lumapit ako sa kanilang dalawa.

"Excuse me... Kakausapin ko lang si Maven. " sabi ko sa kanila. Hinila ko na agad si Maven sa braso niya .

"Ano bang nangyayari sayo Maven.?" tanong ko sa kanya.

Umiling naman siya. "Hindi ko alam Sharey. Ang gulo, umamin siya sa akin. Pero hindi ko alam hindi ko maintindihan ang sarili ko.." sabi niya

"Ano bang turing mo sa kanya. Diba ang close niyo na nga sa isat isa. ?" tanong ko..

"Oo. Kuya lang ang turing ko sa kanya. Maalaga siya at mabait sa akin. Komportable ako sa tabi niya. Masaya ako kasama siya. " sabi niya.

Love LimitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon