Simula

920 27 1
                                    

Simula

"I take you Jazrell Jimenez, to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, 'till death do us part, according to God's holy law and this is my solemn vow." He said those words while looking at my eyes with full of love and admiration. Tears formed in the corner of his eyes as he slid the ring on my ring finger. Naririnig ko rin ang mahihina niyang pagtikhim na ikinangiti ko. At kahit may belo ako, alam kong nakita niya ang ngiti ko dahil bahagya niya akong nginusuan at inirapan.

How adorable. Nang ako na ang magsasalita ay pinakalma ko ang sarili at saka mahinang tumikhim.

"I take you Dean Ricel, to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, 'till death do us part, according to God's holy law and this is my solemn vow." I slipped the ring in his finger with my trembling hands. Sa halip na asarin ako gaya ng ginawa ko kanina ay mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko. It's just a simple gesture, yet it calmed me down.

"I now pronounce you, husband and wife. You may now kiss the bride."

Ngumiti siya sa akin at itinaas ang belo. I closed my eyes as he kiss me passionately that made them shout at glee.

Nangingiting bumitaw kami at nagtinginan ng ilang segundo bago bumaling sa mga taong saksi ng pagmamahalan namin.

And that happened three years ago. Pero ngayon? Hiwalay na kami. Isinara ko ang photo album at itinago sa pinakahuling drawer ko. I should stop reminiscing the past but I can't. Naging parte pa rin iyon ng buhay ko kahit na isang alaala na lamang.

"Yow, Jazrell!"

Hinarap ko ang pangahas na pumasok sa kwarto ko at pinameywangan ito. "What are you doing here, Maico?"

Maico is my fraternal twin brother. He's two minutes older than me.

"Pinapatawag ka ni Daddy. Kasama niya sina Tito Miguel, bibigyan ka yata ng misyon." wika niya na ikinapalakpak ng tainga ko.

"Sa wakas! Buti naman at naisipan nila 'yan. Ang boring kaya dito. Halos lahat kayo ay may misyon, tapos ako, nakatunganga lang dito." dire-diretsong reklamo ko. Napasimangot ako ng guluhin niya ang buhok ko.

Natatawang inakbayan lamang niya ako bago ako kaladkarin palabas.

"Nah. May misyon nga kami, ang boring naman. Wala raw masyadong gawain sa field kaya ang boboring ng gawain namin."

Napatawa ako. "Bumait na yata ang mga tao at ayaw ng gumawa ng masama ngayon."

He chuckled. "Baka naubusan ng pondo para sa mga ilegal na transaksyon."

"Ugh. So it means na kung bibigyan nila ako ng misyon, boring din?" I pouted.

"Pagtiisan mo na. Mas nakakaboring kung wala kang ginagawa at nagdadrama lang sa kwarto." He glared at me na mas ikinahaba ng nguso ko.

"Naka-move-on na 'ko."

Hindi siya nagsalita at binuksan na lamang ang pinto ng opisina ni Daddy. Bumungad sa akin si Daddy at ang tatlo ko pang Tito na pawang mga nakaupo sa sofa at halatang may seryosong pinag-uusapan. Sabay-sabay silang napalingon sa amin at ngumiti.

"Lumayas ka na, Maico Montralvez." natatawang sabi ni Dad na ikinasimangot ng katabi ko.

"I want to know my sister's mission."

He's a protective brother of mine and I find it sweet, sometimes. Hindi naman siya nakakasakal pero minsan nakakainis din. Tulad nito. He knows that 'danger' is part of being a 'Montralvez', yet he acts like this. Our life is always at stake and we can't do anything about it but to enjoy every second that we're alive. Delikado man ang buhay namin pero masasabi kong nagi-enjoy ako, kami.

"We know you'll say that, so please, have a seat." Tito Miguel chuckled and motioned us to sit. Naupo naman kami sa bakanteng pwesto.

The four of them were siblings and Tito Miguel is the eldest. And yes, walang babae sa kanila.

"So, Maico, you're right. Bibigyan natin ng misyon si Jaz." Tito Melvin, the second eldest, smiled at me when our eyes meet. "And that would be is to protect someone."

I frowned. Nakakatamad ang magbantay ng tao pero mas nakakatamad ang magbantay ng aso. Kaya pwede ko ng pagtiisan 'to.

May iniabot sa akin na white long folder si Tito Miro. Nang buksan ko ito ay halos mabitawan ko ang folder. Nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang gulat sa mga mata ni Maico at ang unti-unting pamumuo ng galit sa mukha niya.

Who wouldn't? Kung ang babantayan ko lang naman ay si Dean Ricel, ang aking ex-husband.

MS #1: Jazrell MontralvezWhere stories live. Discover now