Kabanata 6

649 29 5
                                    

Kabanata 6

IT'S been days since the kiss happened pero hindi ko maiwasang mamula sa tuwing napapatingin ako kay Sir Dean lalo na sa labi niya. Yes, balik na ulit ako sa pagiging si Jaz Sandoval.

"Where the hell is she?!" rinig kong sigaw ng boss ko sa loob ng opisina niya

May mga taong dumating at sa tingin ko ay sila 'yong mga inutusan niyang hanapin ako. Matapos niyang gumaling kinagabihan ay iniwan ko siyang natutulog. At mula noon ay mas naging bossy at strict si Sir Dean. Tulad na lang ngayon na mas marami siyang pinapagawa sa akin.

"Miss Sandoval, where's the presentation that I asked you to do?! Give it to me!" singhal ng hari sa intercom.

Mabuti na lang at ang presentation na 'yon ang una kong ginawa. Hinugot ko ang flashdrive at nagmamadaling pumasok sa opisina niya. Nakita ko pa ang mga investigator na mga nakayuko. Nagpakuha rin siya ng mga dagdag na investigator para hanapin ako.

"Heto na po, Sir!" Inilapag ko sa mesa niya ang flashdrive.

"All of you! Leave!"

Nag-uunahan silang lumabas kaya hindi ako nakipagsiksikan. Hinintay ko silang makalabas bago ako humakbang.

"At saan ka pupunta, Miss Sandoval?!"

Napatalon ako nang sumigaw siya at mabilis na humarap sa kanya.

"Aalis po."

"Did I told you to go out?" sarkastikong tanong niya.

"Sabi n'yo po, 'ALL of you'. Kaya kasama ako roon." I emphasized the word 'all'. Napahilot siya sa noo at sinamaan ako ng tingin.

"I want you to find my wife." Ipinakita niya sa akin ang picture ko. Selfie ko 'yon na naka-peace sign three years ago.

Kinikilig ako sa pagtawag niya ng wife. Hehe.

"A-ako po mismo? Lilibutin ko ang buong 'Pinas para hanapin siya?"

"Stupid. You're an agent, right? Since you were ordered to protect me, you're not available to find her. As my secretary, I want your agency to help me in finding her. Hindi ko alam kung saang agency ka nagmula, but I want you to help me. Hindi ko kakayanin kapag may nangyaring hindi maganda sa asawa ko."

Kenekeleg se hert. Kanina 'my wife' ngayon 'asawa ko'. Anong mas maganda? 'Yong english version o tagalog version? Sabagay kinilig naman ako both. Hihi.

"Yes, Sir."

Ayos 'to. Hahanapin ko ang sarili ko.

Lumabas na ako dala-dala ang picture ko at naupo sa pwesto ko. Maganda na 'yong mukha ko, maganda pa ang pagkakakuha s akin. Kaya siguro hindi nila ako mahanap dahil walang kapantay ang ganda ko. Natatawa ako sa mga naiisip.

Nasa ganoong ayos ako nang makarinig ako ng nagkakagulo.

"Ma'am! Hindi nga po kayo pwede rito!" boses ni Kuya Carlo aka Kuyang Guard.

"Paulit-ulit na lang ba tayo?!" sigaw ng napakapamilyar na boses sa akin.

"Eh kayo, ma'am? Paulit-ulit na lang ba kayong didikit kay Sir, e ayaw nga sa inyo ng boss ko?!"

Natawa ako sa sinabi ni Kuya Carlo. Talagang magkakasundo kami.

Nanatili akong nakayuko hanggang sa marinig ang papalapit na yabag ng dalawang tao. Nahahalata mong babae ang isa dahil sa tunog ng takong na suot nito. Nag-angat ako ng tingin. Nakita kong pilit hinaharangan ni Kuya ang babae.

"Kuya Carlo." tawag pansin ko na ikinatingin nilang pareho sa akin.

"Ma'am Jaz, nagpupumilit pong pumasok." nahkakamot ang ulong sabi niya.

MS #1: Jazrell MontralvezWhere stories live. Discover now