Kabanata 3

658 26 0
                                    

Kabanata 3

"OH ano ka ngayon, Kuya? Natanggap ako!" Pagmamalaki ko sa gwardyang kausap ko noon. Hindi ko siya nakakausap lagi dahil paiba-iba ang shift niya.

"Si ma'am talaga. Sige na, naniniwala na akong utak ang mahalaga kaysa sa ganda." natatawang sabi niya. Halatang hindi pa rin naniniwala.

Ay sus! I have beauty and brain kaya! Kaya lang, utak muna ang mayroon ako ngayon. Hehe.

"Sige na, Kuya. Inuutusan ako ni Sir na bumili ng pagkain kaya aalis muna ako ha?" Tinapik ko ang balikat niya at umalis na.

Sa isang fastfood ako pumunta para bumili ng kakainin namin. Oo, namin. Ang swerte naman niya kung siya lang ang kakain, no! Ako ang bumili tapos walang para sa akin? Saka pera ko naman ang gagamitin dahil hindi naman siya nagbigay ng pambili! Mabuti na lamang at lagi akong may dalang pera kaya ayos lang kung hindi niya ako bigyan. Pero 'wag naman sana niyang araw-arawin dahil mauubos ang pera ko. Wala pa jaman akong misyon nitong mga nakaraang araw kaya tagtipid tuloy ako ngayon.

Pagkatapos ng mahaba-habang pila ay nagawa ko pa rin namang mabilis na makabalik sa kompanya. Si Kuyang Guard agad ang nilapitan ko.

"Kuyang Guard, pwede bang magtanong?"

"Nagtatanong ka na, ma'am." natatawang sabi niya na ikinasimangot ko.

Kaunti na lang, masasapak na kita, Kuya.

"Kuya, noong nag-apply kasi ako may itinanong sa akin si Sir."

"Ano 'yon, ma'am?"

"Tinanong niya ako kung magkakagusto raw ba ako sa kanya. Ang sagot ko ay 'hindi'. Don't get me wrong, Kuya ha? Guwapo si Sir at malakas ang sex appeal at sa tingin ko ay alam niya rin 'yan. Pero bakit niya ako tinanong ng ganoon?"

"Ah, dahil madalas siyang hindi makapagtrabaho ng maayos kapag babae ang sekretarya niya. Nagkakagusto sila sa kanya at hindi nila nagagawa ng maayos ang mga ipinapagawa niya." sagot niya. "Ang alam ko ay lalaki na ang hinahanap nilang sekretarya kaya hindi ko alam kung bakit tinanggap ka. No offense, ma'am."

Napatango ako sa sinabi niya at napanguso. "Okay lang po. Kaya siguro tinanggap niya ako, Kuya. Sinabi ko kasing may nagmamay-ari na ng puso ko."

Natatawang pinasadahan ako ni Kuya ng tingin.

"Kuyang Guard, may papatol din naman sa akin, no! D'yan ka na nga! Ang sakit mo sa feelings, Kuyang Guard!" Nakasimangot na nagwalk-out ako.

"Sorry na, ma'am! Hindi lang ako makapaniwala!" rinig ko pang sabi niya pero hindi ko na siya pinansin pa hanggang sa makasakay ako sa elevator.

Napailing na lang ako. Natutuwa ako kay Kuyang Guard kahit may mga pagkakataon na gusto ko na siyang sapakin. Hehe.

Nang makarating ako sa opisina ni Sir ay inilapag ko na lang ang pagkain niya sa kanyang mesa at bumalik sa pwesto ko. Wala pa naman siya kaya kinain ko na 'yong para sa akin. Gutom na kasi ako dahil wala pa akong almusal.

Mabuti na lamang at tapos na akong kumain nang dumating si Sir na halata ang galit sa mukha.

Hala. Anong nangyari sa gwapo ngunit masungit kong boss?

"Good after—" Naputol ang sasabihin ko nang lagpasan at sigawan niya ako.

"Stop talking!" putol niya at padabog na isinara ang pinto ng kanyang opisina.

Napailing na lang ako. Masungit na demonyo.

It's already 1:30 in the afternoon pero hindi pa rin nag-uutos ang boss ko. Tumayo na ako at kumatok sa pinto niya. Nang walang sumagot ay pumasok ako. Nakatalikod siya sa akin at may kausap sa cellphone. Wala na ang mga pagkain sa mesa niya na malamang ay nakain na niya.

"Mom, how many times do I have to tell you that I don't want to have a bodyguard?" Saglit siyang tumahimik. Nakikinig sa kabilang linya. "Look, mom, I don't care about those threats, okay? Hindi naman ako papayag na mamatay ng hindi ko man lang siya ulit nakikita."

Bumilis ang tibok ng puso ko sa huling narinig.

Heart, don't be assuming. Malay mo hindi ako 'yon edi nagkabasag-basag ka na naman? piping suway ko sa puso kong nagsisimula ng umasa.

Dahan-dahan akong lumabas at kumatok ulit. Kailangan kong umarteng kararating ko lang para hindi niya malamang may narinig ako sa pinag-uusapan nila. At kaya siguro gusto ni Mrs. Valerie na mag-disguise ang magiging bodyguard ng anak niya ay dahil sa ayaw nga nito ng may bantay.

Pero sorry na lang siya dahil narito na ako. Bodyguard na, secretary pa. Hihi

"Come in."

Sumilip lang ako sa pinto at nakaupo na siya sa swivel chair habang hinihilot ang sentido.

"Sir, may meeting pa po kayo mamayang 2 pm with Mr. Chua."

"Cancel it."

"Yes, Sir."

Ikinansela ko ang meeting n'ya na agad namang sinang-ayunan ng sekretaryo ni Mr. Chua dahil balak din pala nitong ikansela ang meeting. Sekretaryo kasi lalaki. Pagkatapos no'n ay pumunta ako ng pantry at kumuha ng bottled water. Dinukot ko naman sa bag ang gamot na palagi kong dala. Pumasok ako sa opisina niya at inilapag ang mga iyon sa mesa.

"Gamot, Sir. Para sa headache."

"I didn't ask you to brought me that."

"Hay naku, Sir. Inumin n'yo na lang po pwede?"

"Inuutusan mo ba 'ko, Miss Sandoval?" Sinamaan niya ako ng tingin.

Napangiwi ako. Tiningnan nga niya ako kaso masamang tingin pa.

"Hindi ho, Sir. Nakikisuyo ako." bakas ang sarkastiko sa boses ko.

"Are you being sarcastic to me?"

"Hindi po, Sir ah!" Umiling-iling pa ako. "Sige po, Sir. Labas na po ako."

Kumaripas ako ng takbo palabas.

Baka tanggalin niya ako sa trabaho kapag nanatili pa ako roon.

MS #1: Jazrell MontralvezWhere stories live. Discover now