Kabanata 13

488 18 0
                                    

Dean's POV

"What do you mean, Aileen?" pigil ang galit na tanong ko

[N-nagpaalam siyang magbabanyo. Sasamahan ko sana pero s'ya na lang daw. Ilang minuto na pero hindi pa s'ya lumalabas kaya pumasok na 'ko pero hindi ko s'ya nakita. S-she's missing, Dean.] umiiyak na sagot niya

Pinatay ko na ang tawag. Napahilot ako sa sentido at tiningnan ang paligid. May mga lobo at rosas na nagkalat sa buong opisina ko. May mga pagkain din na nakahanda. Kinuntsaba ko rin ang lahat ng tauhan ko para maisagawa ang plano ko. I'm planning to propose to her again. But damn, she's missing, again.

Did she left me again? Ipinilig ko ang ulo ko para alisin ng naisip.

"She won't do that... But where the hell is she?" bulong ko

Napakuyom ako ng may maalala. Ang mga nagpapadala ng death threats... Hindi kaya 'yon ang kumuha sa kanya? Mas tumiim ang bagang ko ng maalala ang natanggap na litrato noon.

I'll fucking kill whoever touch my wife.

Nasa ganoong ayos ako ng tumunog ang cellphone ko. Isang unregistered number ang tumatawag. Sinagot ko 'yon sa pag-aakalang ang kumuha kay Jaz ang tumatawag.

[You fucker! Didn't I fucking told you to take good care of her, did I? My sister is fucking missing and I'll fucking kick your balls if something bad happened to her! Mark my fucking words you fucking Ricel!]

Napangiwi ako sa sigaw ni Maico. Iyon ang sinabi n'ya sa'kin noon. Bilang Kuya ni Jaz ay hiningi ko ang approval n'ya sa muling pagpapakasal namin at pumayag naman s'ya. Hindi na ako nakapagsalita pa dahil agad niyang pinatay ang tawag.

Tinawagan ko ulit ang mga investigators na kinuha ko noon para hanapin ulit si Jazrell. Dumating din sina Wendell at Racus na mga seryoso ang mukha ngayon.

"We know what happened and we'll try to trace her whereabouts." imporma ni Wendell

Nasa salas sila at may dalang laptop si Wendell.

"Pupunta ako sa mall na pinuntahan nila para mag-imbestiga. Dean, 'wag ka munang lalabas dito hangga't maaari. Nakasisiguro kaming ang nagpapadala ng death threats sa'yo at ang kumuha kay Jaz ay iisa. Ia-update ka naman namin sa nangyayari." sabi ni Racus at lumabas na

Ilang oras na ang nakakalipas at mas kinakabahan ako habang tumatagal.

A loud ring filled the room. And it's obviously not from my phone but to Wendell's. Agad akong tumakbo sa tabi n'ya. Naintindihan naman n'ya ang ikinilos ko dahil ini-loudspeaker n'ya iyon.

[Dell, nakita ko na. May isang lalaki ang buhat-buhat si Jaz mula sa cr. Hindi mahahalatang kinidnap siya dahil mukha lang silang mag-jowa. But the problem is, hindi ko nakita ang mukha no'ng guy. Oh wait. May kasama rin silang babae. Wait again, I'll just send you the footage para maintindihan mo.]

Ilang segundo lang ay tumunog ang laptop n'ya. 'Yon na ang footage na sinasabi ni Racus kaya pinanood na namin 'yon kahit ongoing pa ang tawag.

Kitang-kita na nag-uusap sina Jaz at Aileen pagkatapos ay naglakad na papuntang banyo si Jaz. Si Aileen naman ay nanatili roon ng ilang segundo at pagkatapos ay umalis. Sakto naman na may lumabas na isang lalaki na may buhat-buhat na babae. May suot na face mask ang lalaki kaya hindi kita ang mukha n'ya samantalang nakatakip naman ang ilang buhok ni Jaz sa mukha n'ya. Napakuyom ako ng kamao ng makita ang paglabas ni Lyka sa banyo. Nakasunod s'ya sa dalawa at s'ya ang kumakausap sa ilang nakakapansin kina Jaz. Mukhang may sinabi s'ya sa mga 'yon para hindi maghinala ang mga ito. Akala ko ay tapos na pero nag-iba lang ang lugar at mukhang sa parking lot iyon ng mall. Nakita kong isinakay nila sa isang van si Jazrell at umalis na sila pagkatapos.

"Si Lyka ang babaeng kasama nila." sabi ko

[What?! You mean, Lyka the snake bitch?!] iritado ang pambabaeng boses ni Racus

"Yes."

"Susubukan kong i-trace ang plate number nila. Sana lang hindi sila nagpalit ng sasakyan para mas mabilis natin silang mahanap." saad ni Wendell at nag-type na ulit sa laptop

[Ise-send ko rin 'yan sa kanila para mas mapabilis tayo. I'll end the call first. Sayang ang load ko. Tatawag na lang ulit ako.]

Namatay na ang tawag kasabay ng pagtunog ng cellphone ko. Unregistered number ulit pero sigurado akong hindi si Maico 'to.

Sinagot ko ang tawag.

[Hi, babe.]

Napatiim-bagang ako ng marinig ang boses ni Lyka. Ini-loudspeaker ko ito dahil na rin sa sinenyasan ako ni Wendell. Nag-type s'ya sa laptop at ipinabasa sa'kin 'yon.

'Make the call longer. I'll try to trace her location.'

Tumango ako sa kanya.

"Don't 'babe' me! Where's my wife?!"

[Hmm. Kung ayaw mo ng 'babe', edi 'hon' na lang. And oh! Pinagsasawaan na ng mga tauhan ko ang asawa mo.] tumawa s'ya

Napatayo ako sa galit sa narinig.

"Putangina mong hayop ka! Papatayin kita!"

[Aw. Too bad. You can't. Mauuna munang mamatay ang ex-wife mo.]

"Fuck you!"

[I like it hard and rough, honey.]

"Stop pestering us, Lyka! Just give me back my wife!"

[No! Hindi ko s'ya ibabalik sa'yo! Maliban na lang kung... ikaw ang kapalit n'ya.] Nakakairitang tumawa s'ya.

"Sige. Papayag ako. Pakawalan mo lang ang asawa ko."

[Ayan! Madali ka palang kausap. Pumunta ka rito. Ikaw lang mag-isa. 'Wag mo ng subukang magsama ng iba. Dahil hindi ako magdadalawang isip na patayin ang babaeng 'to. Oh! Do you want to hear her moaning?]

Kumabog ng malakas ang dibdib ko ng may marinig sa kabilang linya.

[Don't listen to her!] boses ni Jazrell

Magsasalita pa sana ako pero naputol na ang tawag. Napatingin naman ako kay Wendell.

"Nahanap ko na kung nasaan sila. Papunta na sina Maico roon. Tara na."

MS #1: Jazrell MontralvezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon