Kabanata 2

676 28 0
                                    

Kabanata 2

PINUNO ko muna ng hangin ang baga ko bago kumatok ng tatlong beses.

"Come in."

Para akong mahihimatay nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Mas naging manly ngunit masarap pa rin pakinggan sa tainga.

Deym! Maghunos-dili ka, Jazrell! Hindi ka naririto para lumandi! I sighed, then slowly open the door. A familiar scent welcomed me. Napabuga ako ng hangin bago pumasok.

Nakatayo ang lalaki at nakatingin sa labas ng bintana. May hawak siyang tasa na mukhang kape ang laman dahil umuusok pa.

Bumilis ang tibok ng puso ko nang humarap siya at naupo sa kanyang swivel chair nang hindi man lang ako tinatapunan ng tingin.

"You're here to apply. So, come and have a seat." bakas ang awtoridad sa boses niya kaya agad ko siyang sinunod, "Give me your resume."

Iniabot ko sa kanya ang folder ko na agad niya namang pinasadahan ng tingin.

"So, tell me about yourself."

"I'm Jaz Sandoval—"

"Stop." Tumingin siya sa akin at parang nadismaya sa nakita.

Aba't! Ganoon ba talaga kapangit ang itsura ko para madismaya siya ng ganito?

"Bakit po, Sir?"

"You won't get attracted to me, right?"

Nagtaka ako sa itinanong niya ngunit tumango rin bilang sagot.

"Of course, Sir! Someone already owned my heart kaya secretary n'yo lang talaga ako." Ngumiti ako ng pagkatamis-tamis.

At ikaw 'yon. Kundi ka ba naman kasi bobo noon.

"That's good. You will start today."

Pumalakpak ang tainga ko sa narinig kaya napangiti ako ng malawak at yumuko pa sa kanya.

"Thank you po, Sir!"

"MISS Sandoval, coffee!" utos ng hari sa intercom.

Agad naman akong pumunta sa pantry para ipagtimpla siya ng kape. Ilang linggo na mula ng magsimula ako sa trabaho at isa lang ang masasabi ko; ang sungit niya. Sobra.

Hindi naman 'yan ganyan dati. Lagi siyang nakangiti noon at never naging ganito ka-bossy. Well, people change.

Hays! Act as Jaz Sandoval, Jazrell! 'Wag haluan ng past ang present, okay? suway ko sa sarili, Be professional.

Dala ang kape ay pumasok ako sa opisina niya. Busy siya sa pagbabasa at pagpirma ng sandamakmak na papeles sa mesa niya.

"Here's your coffee, Sir." Maingat na inilapag ko ang tasa sa mesa niya. "May ipaguutos pa po kayo?"

"I need soft copies of these before 11 am." Iniabot niya sa akin ang isang makapal na bungkos ng papel.

Napapalunok na tinanggap ko naman ito, "Yes, Sir."

Nalintikan na! Anong akala sa akin ng kumag na 'to? Robot?! Nakakapagtype ng 100 words per minute?! Inis na inilapag ko ang mga papel sa mesa ko at sinimulan ng mag-type. 9 o'clock na at kailangan niya raw ang mga 'to bago mag-alas onse.

"You can do it, Jaz!" I whispered then start typing every word in lightning speed.

Mahigit isang oras na ang lumipas pero hindi ko pa rin natatapos ang pinapagawa niya. Dalawampung papel na lang ang i-ta-type ko kaso harap at likod pa iyon.
Hinilot ko muna ang mga daliri dahil namamanhid na ito at halos hindi ko na maikilos. Nangangalay na rin ang batok ko. Nagugutom na rin ako dahil wala pa akong almusal.

Nasa ganoong ayos ako nang dumating ang babaeng humingi ng serbisyo sa agency.

Napalunok ako at paulit-ulit na sinabihan ang sarili na maging professional kahit sobrang lakas na ng pintig ng aking puso.

"Good morning. Ikaw na ba ang ipinadala nila? By the way, I'm Valerie, the mother of Dean." pakilala niya at inilahad ang kamay sa akin na tinanggap ko naman

"Yes, ma'am. I'm Jaz Sandoval. Nice to meet you po." Ngumiti ako at binitawan na ang kamay niya. "Nasa loob po si Sir, ma'am."

"That's good. Aalis na ako. Don't tell him that I came here. Tiningnan ko lang kung sino ang ipinadala nila."

"Yes, ma'am."

Ngumiti lang siya at umalis na. Nagsimula naman akong mag-type ulit.

Mrs. Valerie was the one who asked for our agency's help. Iyon nga lang ay hindi ako ang nakaharap niya kundi ang bakla kong kaibigan na si Racus. Hindi humaharap ang kahit sino kina Daddy sa mga kliyente namin. At enjoy na enjoy naman ni Racus ang pagiging front boss dahil marami siyang nakikitang gwapong kliyente.

So, she asked our help to protect her son from his enemies. Being a famous businessman can lead to death. Of course, people are greedy. If they saw you as a threat to them, magpaalam ka na sa mundong ginagalawan mo. Isa pa, kailangang mautak ka sa business. Hindi maiiwasang may i-reject kang proposal ng iba kung sa tingin mo'y hindi 'yon worth it sa huli. At pwede ka nilang patayin, dahil sa sama ng loob nila sa iyo. And as a mother, aanhin mo pa ang karangyaan ng pamilya n'yo kung mapapahamak naman ang anak mo?

Well, iba naman kaming mga Montralvez. Ipinanganak na kami para rito at kahit iwasan namin ay nasa dugo na namin ito. Masyado na rin naming ini-enjoy ang buhay na mayroon kami.

"And done!" Matunog na pinindot ko ang 'enter' button para ma-save ang file. Mabilis ko namang pinasadahan ng tingin ang bawat page para tingnan kung may error. Nang matapos ay kinuha ko ang flashdrive na nakita ko ng kalkalin ko ang mga gamit dito. Sinend ko sa e-mail ni Sir ang file pero nag-save rin ako sa flashdrive. Inayos ko muna ang mga papel bago hugutin ang flashdrive para ibigay sa kanya ang mga 'yon. Kumatok ako ng tatlong beses sa pintuan niya.

"Come in."

Pumasok na ako ng marinig ang baritonong boses na 'yon. Ganoon pa rin ang ginagawa niya. Nagbabasa, pumipirma at hindi man lang ako tinatapunan ng tingin.

"Sir, heto na po 'yong pinapagawa n'yo." Inilapag ko ang mga papel at flashdrive sa mesa niya.

"Good. How 'bout my schedule today?"

Mabuti na lamang at memoryado ko na ang schedule niya ngayon kaya hindi ko na kailangang kunin pa ang folder ko sa labas na naglalaman ng mga schedule niya.

"11 am, board meeting. 12 noon, lunch break. 2 pm, meeting with Mr. Chua. 5 pm, uwian na."

"You'll come with me in the both meeting."

"Yes, Sir. May ipag-uutos pa po kayo?"

"None. You may leave."

Napasimangot ako at umalis na. Kaya siguro umalis ang dating secretary niya ay dahil sa kanyang kasungitan. By the way, nalaman kong wala na siyang secretary dahil na rin sa nanay niya. Sa simula pa lang ay sa akin na ang posisyon dahil ibinigay na 'yon ng nanay niya sa agent na magbabantay sa kanya. Pinili ko lang na mag-apply at dumaan sa tamang proseso para hindi siya magduda sa amin ng nanay niya. Hindi ko nga lang inaasahan na tatanggapin niya ako agad lalo na sa itsura kong mukhang traffic light.

Hindi pa ako nakakaupo nang marinig ko ang pagbukas ng pintuan niya kaya napatingin ako na sana'y hindi ko na lang ginawa. He looks so hot wearing his tuxedo with his glasses on and messy hair.

"I changed my mind. You won't come with me in the meeting. Buy something for my lunch instead." Umalis na siya nang hindi man lang sinasabi kung ano ang gusto niyang kainin.

So, ano na ngayon? Anong pagkain naman kaya ang bibilhin ko sa masungit kong boss?

MS #1: Jazrell Montralvezजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें